Vice Ganda, aminadong boring na ang ‘It’s Showtime’

Marami nang komentong natanggap ang It’s Showtime na kinakailangan na raw itong i-reformat.

Maraming manonood ng programa ang tila nagsasawa na dahil boring na raw kasi ang masyadong mahabang kwentuhan ng mga host at kung anu-ano pang ginagawang pampahaba sa segment na Tawag ng Tanghalan.

Dagdag pa nila, napakabagal daw ng pacing programa na ikinakabuwisit ng viewers. ‘Yung iba, napipilitan na lang maglipat ng channel o magpatay ng TV.

Tinanong ang It’s Showtime main host na si Vice Ganda tungkol sa kaniyang reaksyon sa mga komentong naglalabasan sa comment section ng programa.

Ayon sa kaniya, nababasa niya at ng buong team ng It’s Showtime ang constructive criticism ng madlang pipol sa programa.

“First, it is right that we listen to the viewers. Every now and then, we listen to them. Alam naman namin ‘yung constructive criticisms na ibinibigay nila, we acknowledge that.

“But to be fair also, with the staff and with the show, even before, there was clamor already, nakikita na namin iyon.

“Kami mismo, gusto na namin ng change, gusto na namin ng bagong segments, gusto na naming mag-offer ng maraming bagay na bago.”

Nagpaliwanag din si Vice kung bakit hindi nila mai-push ang mga gusto nilang gawin para sa programa at ito ay dahil sa paiba-iba nga raw ang protocols dahil sa pandemya.

Noong holy week ay pinlano na rin daw nilang mag-redesign ng stage. Hindi nga lang daw natuloy dahil may staff sila na nagpositibo sa COVID-19. Dahil doon, lahat sila ay required ding mag-quarantine dahil baka may mga nahawa sa kanila.

“Dahil dito, naurong na naman ang plano sanang pagre-redesign ng studio,” ani Vice.

Umamin din si Vice na nalulungkot ang hosts at staff ng It’s Showtime sa tuwing may naririnig silang pinabayaan na nila ang programa.

“Kapag inookray nila ‘yung studio na parang sinasabi nilang pinabayaan namin, siyempre, nalulungkot din kami, kasi hindi naman nila alam ‘yung totoong nangyayari.”

Maging si Vice mismo ay aminadong nagde-demand na rin ng bagong segments para sa It’s Showtime.

“As an artist, nae-excite ka sa ginagawa mo, so nagde-demand din ako.”

Naiintindihan din naman daw ni Vice Ganda ang sitwasyon ngayon ng ABS-CBN lalo pa’t hindi sila nabigyan ng prangkisa ng Kongreso last year.

Dahil dito, nagkaroon ng problema sa pera ang TV network kaya kinailangan nilang magtanggal ng mahigit 4,500 trabaho, kabilang na ang 2,674 regular employees.

Lumobo rin ang utang ng ABS-CBN sa halos P27 bilyon dahilan para mag-avail ng standstill agreement sa mga lending companies. Kasama sa kasunduan na gawing collateral ang ilang pag-aari ng ABS-CBN.

Paliwanag ni Vice, “Nakakaawa nga kasi iyong headwriter, minsan floor director na rin siya. Executive producer, editor na rin siya. Isang tao, ang daming ginagawa.”

Nanatili namang positibo ang pananaw ni Vice dahil magaganda raw ang mga nababasa nilang feedback sa bago nilang segment na Reina ng Tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *