Vhong Navarro sinampahan ng Taguig Prosecutors Office ng kasong rape

Kinasuhan ng Taguig City Prosecutor’s office ng kasong rape ang komedyante at host na si Vhong Navarro dahil sa umano’y panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo noong 2014.

Inakusahan si Navarro na nilasing at ginahasa si Cornejo sa kanyang condo unit sa Taguig City noong Enero 17, 2014, batay sa impormasyon na inihain sa Taguig City Regional Trial Court nitong Miyerkules, Agosto 31.

Isinampa ang kaso matapos panigan ng Court of Appeals ang mosyon ni Cornejo kaugnay sa pagbasura sa inihain niyang reklamong rape sa Department of Justice.

Idinahilan ng DOJ sa pag-dismiss ng reklamo ang umano’y pabago-bagong pahayag ni Cornejo sa kanyang affidavits pero iginiit ng Court of Appeals na mas mabuting depensahan ni Navarro ang sarili laban sa mga alegasyon sa paglilitis sa korte.

Ikinagulat nila ang desisyon ng Court of Appeals dahil makailang beses nang ibinasura ang reklamo ng modelo, ayon sa abogado ni Navarro na si Alma Mallonga.

Inihayag di umano ni Cornejo na walang rape na nangyari noong 2014 pero binawi niya at iginiit na ni-rape siya matapos maghain ng reklamo si Navarro laban sa kanya, ito ang sabi ni Mallonga sa unang complaint affidavit ni Cornejo.

Ayon kay Mallonga sa panayam ng ABS-CBN News Channel, “It’s an afterthought, it was incredible and as correctly found by the Department of Justice, it is not consistent with human behavior. If as you say you were raped on January 17, why would you even meet up with Mr. Navarro on January 22?”

Bago i-raffle ang kaso, hihintayin munang maresolba ang nakabinbin na motion for reconsideration at status quo ante order ni Navarro sa Court of Appeals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *