Valentine Rosales, sinupalpal dahil sa 7-11 post

Unang sumikat si Valentine Rosales nang mapabilang siya sa listahan ng mga akusado sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera.

Hindi na laman ng balita ang kaso, pero pinag-uusapan ngayon si Valentine dahil sa panibago na namang isyu.

Kamakailan, ang isa sa mga post niya sa Facebook ay nag-viral.

Saad niya, “Story Time: Incident kanina sa 7/11 Alimall Cubao Branch” na pinalitan niya kalaunan ng “Story Time: Incident kanina sa 7/11 Near Alimall Cubao Branch sa may UCPB katapat ng SM Super Market.”

“Namili ako ng chips and korean noodles kanina sa 7/11 around 1pm, Tapos may pumasok na lalaki madaling madali kumuha ng drinks sa Vending Machine. Sama pa ng tingin sakin porket Leni yung hawak hawak kong baso, Then pagka kuha niya ng milktea na drink bigla siya umalis, tapos nung patapos na ko kumuha ng Drink nilapitan ako ni Kuya Cashier sabi niya Sir kasama niyo po ba yung lalaking lumabas? Sabi ko sino po? Mag isa lang po ako dito. Sabi niya kumuha daw kasi ng drinks tapos di nag bayad. Sabi ko yun ba yung pandak na naka black tapos medjo panot.

“Natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?” Sabi ko “yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?” Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.” Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh.

“Natawa si Kuya sabi niya magnanakaw talaga tas natawa din tuloy ako at sinabi ko hayaan mo na kuya, ako nalang po mag babayad nung tumbler na yun. Sabi ni kuya salamat sir samin kasi yun ma charge eh. Sabi ko magkano ba? 35 pesos lang naman pala. Jusko ninakaw pa. Anyway share ko lang. Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw.

“Sarap kaya Uminom ng Gulp sa 7/11 pag alam mong di NAKAW or UTANG yung pambayad sa cashier.”

Kung may mga natuwa at nakisakay sa post, marami naman ang hindi naniwala.

Kumbinsido sila na hindi talaga nangyari ang pangyayari dahil permanently closed ang nabanggit na branch ni Valentine bago niya ito in-edit.

Dahil sa dami ng mga nambash kay Valentine, nag-react siya ng: “Katamad mag explain, judge niyo nalang ako (tulip emoji).”

Sa isa namang post, ikinuwento naman niya ung paano niya hinahandle ang online bashing sa kaniya.

“People often ask me if I’m sad? how do I remain strong? How do I handle bashing? I just smile and accept that this world is cruel and if I get affected easily and feel each and every criticism I would only drown myself to sadness,” he said. “I no longer feel sadness because I’ve already been through my worsts and lost everything. You can no longer lose if you already lost everything.”

“People may say I’m asking for pity or attention and if that’s what they think I don’t even care anymore. Both parents gone, lost a job, lost friends, I no longer have a reputation. I don’t think there’s anything left for me to lose. I know that these are all consequences of the actions I’ve done but please do remember that we are all Humans we make mistakes and without mistakes we can never learn. In life we just need to move forward and try to keep a straight face because those challenges will make us stronger. Goodnight..”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *