Upcoming Kapamilya shows on iWantTFC for 2022

Ipinakita na ng iWantTFC ang bagong handog nito sa ginanap na iWantTFC Unwrapped event noong nakaraang Biyernes (December 10) kung saan dumalo ang mga bituin at creator ng bagong originals na ipapalabas sa susunod na taon.

He’s Into Her (Season 2)

Magtutuluy-tuloy ang kilig nina Max at Deib (Belle Mariano at Donny Pangilinan) sa He’s Into Her, kung saan matitikman nila ang tamis at pait ng pag-ibig bilang bagong magkasintahan.

Kasama nina Belle at Donny na magbabalik sa ikalawang season sina Joao Constancia, Criza Taa, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Jeremiah Lisbo, Gello Marquez, Ashley de Mundo, at Dalia Varde.

Tara G

Bagong teen barkada naman ang makikilala sa Tara G. Tampok rito sina Daniella Stanner, Anthony Jennings, Kaori, Vivoree, JC Alcantara, Zach Castañeda, at CJ Salonga.

Sleep with Me

Kakaibang love story naman ang hatid nina Janine Gutierrez at Lovi Poe sa unang project na pagbibidahan nilang dalawa, ang Sleep with Me.

The Goodbye Girl

Si Angelica Panganiban naman ang bibida sa The Goodbye Girl, na hango mula sa best-selling book ni Noreen Capili.

Tungkol ito sa iba’t ibang klase ng babae at ang mga paraan nilang mag-move on mula sa pagiging sawi sa pag-ibig.

Makakasama ni Angelica sa The Goodbye Girl ang real-life sweethearts na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Maris Racal at Rico Blanco, pati sina Barbie Imperial, Elisse Joson, JC de Vera, RK Bagatsing, Turs Daza, at Joshua Colet.

Click Like Share

Makakasama sa season 3 ng Click Like Share sina Belle Mariano, Elmo Magalona, Jane Oineza, JC Alcantara, at Vivoree para maghatid ng kaalaman sa kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media.

Bola Bola

First time pag-aagawan si Francine Diaz ng tatlong leading men sa Bola Bola, kunsaan makakapareha niya sina Akira Morishita ng BGYO at Ashton Salvador at KD Estrada ng The Squad Plus.

Dito, lulutuin ni Francine ang feelings niya at gagawing isang masarap na merienda para mapa-ibig ang crush niya.

Mrs. Piggy

Magpapaiyak ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde sa Mother’s Day offering ng iWantTFC na Mrs. Piggy.

Tungkol ito sa isang inang nasubsob na sa paghahanap-buhay kaya’t hindi na niya namalayan ang paglaki ng mga anak niya.

Unang batch pa lang daw ito ng mga bagong originals na darating sa iWantTFC dahil marami para silang hinahanda para sa 2022.

One thought on “Upcoming Kapamilya shows on iWantTFC for 2022

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *