Top-rating Television Series (2020 – Present)

Telebisyon pa rin ang pinaka ginagamit na media platform sa buong bansa. Dito sa Pilipinas, mahigit 85 milyong Pilipino ang may access sa telebisyon para pagkuhanan ng mga mahahalagang impormasyon at entertainment.

Mas maraming television viewers ang nakatira sa mga Urban areas kung saan 48.5 milyong Pilipino ang nakakasama sa datos ng Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) service ng Nielsen Philippines.

Samantala, 36.88 milyong Pilipino naman na may access sa telebisyon ang nakatira sa mga Rural areas — malaking bilang pa rin kung tutuusin, pero mas mahalaga sa advertisers ang NUTAM ratings dahil ito ang kanilang batayan para malaman ang mga taong may kakayahang mag-avail ng mga real-estate properties, auto dealerships, at iba’t ibang produkto.

Bagamat may mga TV networks na nakakaabot sa halos kabuuan ng Pilipinas, malaking factor din ang lenggwahe o dayalekto kung bakit hindi pinapanood ng iba ang mga teleseryeng Tagalog. Madalas ay 1/4 lang ng Urban areas ang tumatangkilik ng mga teleserye kaya’t mahirap maabot ang 20% na People Ratings.

Isa pang factor kung bakit mahirap maabot ang 20% ay dahil sa schedule ng mga manonood. Sa makabagong panahon, marami na ang graveyard shift sa trabaho, marami rin ang kailangang gumising ng maaga kaya’t maagang natutulog. Kaya naman malaking tulong ang Netflix at ibang streaming platforms para maging updated sa mga teleserye at iba pang programang pantelebisyon.

Gayunpaman, may mga teleserye pa ring nakakapagtala ng mataas na ratings. Narito ang listahan ng Top-rating TV series mula 2020 hanggang sa kasalukuyan:

1. Encantadia (2020 Rerun – GMA) – 22.4%

Kahit replay na ay nagawa pa ring makapagtala ng 22.4% na rating ng Encantadia (2016 TV Series). Sa buong taon ng 2020, ito ang pangatlo sa mga programang pantelebisyon na nakakuha ng mataas na ratings. Nangunguna ang 24 Oras na nakapagtala ng 25.4%, na sinundan ng The Clash na nakakuha naman ng 22.5%.

Marahil ay sinasabi ng iba na mataas ang nakuha ng Encantadia dahil pandemya at walang kalaban dahil nawala sa free TV ang ABS-CBN, pero maging noong una itong ipinalabas ay nakapagtala na rin ito ng napakataas na rating.

Noong January 23, 2017, nakamit ng Encantadia ang 26.6% na rating ayon sa NUTAM Household Ratings ng Nielsen Philippines.

2. Daig Kayo ng Lola Ko (GMA) – 21%

Kasama sa Overall Top 20 Programs of 2020 ang weekly fantasy drama anthology na Daig Kayo ng Lola Ko ng GMA-7.

3. Magpakailanman (GMA) – 20%

Hindi rin papahuli ang weekly drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman. Isa rin ito sa mga pinakapinanood noong nakaraang taon.

4. Pepito Manaloto: Kwento Kwento (GMA) – 19.6%

Maging ang sitcom na Pepito Manaloto ay nakasama sa Top 20 Programs of 2020. Nakapagtala ito ng 19.6% sa isa nitong episode.

5. Love of My Life (GMA) – 19.4%

Nito lang March 11, nakapagtala ng bagong record ang Kapuso primetime series na Love of My Life nang makakuha ito ng 19.4%.

Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang mas lalo pang tumitinding mga eksena sa family drama series na ito ng GMA-7.

6. Anak ni Waray vs Anak ni Biday (GMA) – 19.1%

Nakamit naman ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday ang pinakamataas nitong rating noong March 5. Nakapagtala ito ng 19.1% na rating.

7. Descendants of the Sun (GMA) – 16.9%

Kasama rin sa Top-rating series ng 2020 ang local adaptation ng Descendants of the Sun ng GMA-7.

Bahagyang naapektuhan ang ratings ng Descendants nang makisawsaw si Dingdong sa politika noong nakaraang taon. Pero nakabangon ang serye nang bumalik ito sa telebisyon matapos mapahinto dahil sa pandemya.

8. Kambal, Karibal (2020 Rerun – GMA) – 16.7%

Heart and Soul

Tinutukan rin ng mga manonood ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal sa GMA-7 noong kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

9. FPJ’s Ang Probinsyano (ABS-CBN) – 16.5%

Nakapasok rin sa listahan ng Top-rating programs of 2020 ang longest-running action drama series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

Bago i-suspend ang regular programming sa telebisyon dahil sa pandemya, naitala ng seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ang pinakamataas nitong rating para sa taong 2020. Noong March 13, 2020, nakakuha ang FPJ’s Ang Probinsyano ng 16.5%.

Hindi naman ito ang unang beses na naka-16.5% ang serye, dahil nakamit din ng Ang Probinsyano ang 16.5% noong June 6, 2019 at June 12, 2019 kaya hindi pa nito nabi-beat ang sariling record.

10. Starla (ABS-CBN) – 16%

Nakamit naman ng Starla ang pinakamataas nitong rating sa final episode nito. Nakapagtala ng 16% ang Starla noong January 10, 2020. Mas mataas ito kumpara sa katapat nitong programa sa GMA-7 na The Gift na nakakuha naman ng 9.2%.

Iba pang top-rating TV series (2020 – present)

  • May Bukas Pa (2020 Rerun – ABS-CBN) – 15.9%
  • I Can See You (GMA) – 14.9%
  • Make It With You (ABS-CBN) – 14.7%
  • 24/7 (ABS-CBN) – 14.2%

One thought on “Top-rating Television Series (2020 – Present)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *