THROWBACK: 2005 Top Rating Shows on Philippine Television

Ang unang dekada ng bagong milenyo (2000 to 2010) ang masasabi nating glory days ng Philippine Television.

Mula nang mag-produce ng mga sariling teleserye at maging “Kapuso” ang branding ng GMA Network, unti-unti itong umangat mula sa pagiging small television network hanggang sa maging isa sa mga higanteng TV network ngayon.

Ang GMA-7 ang naging pangunahing ka-kompitensya ng matagal-tagal ring nagharing ABS-CBN noong Dekada ’90.

Masalimuot ang taong 2005 sa ABS-CBN dahil ito yung panahong inamin mismo ni ABS-CBN executive Charo Santos-Concio na number 2 na lang ang kanilang network. Ito rin ang panahon na maraming empleyado ng network ang nawalan noon ng trabaho.

Mula nang gawin ng GMA-7 ang telefantasyang Mulawin, nagsunud-sunod na ang pangunguna nito sa ratings. 18 out of 20 programs ay mula sa GMA at dalawang ABS-CBN shows lang ang nakapasok sa Top 20.

Narito ang TOP 20 Programs noong 2005 ayon sa AGB Nielsen Media Research Mega Manila Household Official Data:

RANKPROGRAM NAMECHANNELRATINGS (%)
1Full HouseGMA42.3
2DarnaGMA38.4
3EncantadiaGMA38.4
4MulawinGMA36.4
5All About EveGMA34.6
6Stairway to HeavenGMA34.2
7Lovers in ParisABS-CBN33.2
8Extra ChallengeGMA32.8
9SugoGMA32.8
10EtheriaGMA31.8
11Bitoy’s Funniest VideosGMA31.7
12KakabakaBOO!GMA30.2
13Jewel in the PalaceGMA29.7
1424 OrasGMA29.3
15StarStruck: The Nationwide InvasionGMA29.1
16Pinoy Pop Superstar: Year 2GMA28
17Slam DunkGMA27.9
18StarStruck 2GMA27.8
19Attic CatGMA27.2
20Kampanerang KubaABS-CBN26.9

Sa mga nagtatanong kung bakit Mega Manila lang ang kinukuha noon, hindi pa kasi gaano kalawak ang naaabot ng mga TV networks at karamihan ng mga nanonood ng telebisyon noon ay nasa kalakhang Maynila.

Taong 2006 pa nang i-launch ng AGB Nielsen Media Research (now Nielsen Philippines) ang Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM).

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *