Toni Gonzaga at Paul Sariano, hayagang ipinakita ang suporta kay Bongbong Marcos

Pormal nang nagdeklara ng kanilang suporta ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa kandidatura ng presidential aspirant at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Marcos ay tumatakbo sa ilalim ng UniTeam BBM-Sara ka-tandem si Davao City Mayor Sara Duterte bilang vice presidential aspirant.

Si Bongbong ay anak ng ni yumaong former President Ferdinand Edralin Marcos.

Si Sara ay anak naman ni incumbent President Rodrigo Roa Duterte.

Sa Instagram, nagpasalamat si Marcos Jr. kay Toni sa paghu-host nito sa UniTeam proclamation rally ng Marcos-Sara tandem sa Philippine Arena sa Bulacan, noong Martes, February 8, 2022.

Kalakip nito ang larawan nila ni Toni na nasa entablado.

Mensahe ni Marcos Jr. sa kanyang post ngayong araw, February 10: “Taos pusong pasasalamat kay Toni Gonzaga-Soriano sa pagiging host ng Uniteam Proclamation Rally.

“Isang makasaysayang gabi na hindi namin malilimutan ni Mayor Inday Sara kapiling ang aming mga tagasuporta, pamilya, kaibigan at mga nanindigan para sa ating samahan ng pagkakaisa – gaya mo Toni.

“Maraming salamat muli sa lahat!”

Ini-screenshot ni Toni ang post ni Bongbong at ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram Stories.

Tinawag niyang “my President” si Marcos Jr.

Buong caption ni Toni: “You’re welcome my President @bongbongmarcos [victory sign emoji]”

Ang mister ni Toni na si Paul ay nag-post naman ng larawan nilang mag-asawa kasama si Marcos Jr.

Sa caption, tinawag din niyang “My President” ang presidential aspirant.

Si Marcos Jr. ay ninong sa kasal nina Toni at Paul.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *