Tom Rodriguez, pinangalanan na ang scammer na nangsulsol kay Carla!

Kilala na kung sino ang nang-scam at nanloko kay Tom Rodriguez, kundi lang umiiwas sa demanda, pinangalanan na ng press at netizens ang kaibigan ng nasabing aktor na nag-scam sa kanya. Nagbigay si Tom ng clues kung sino ito sa kanyang The Worst Man web komiks.

Nabangit sa web komiks at mga drawings ni Tom ang mga business ng taong nang-scam sa kaniya kaya mas lalong tumibay ang paniniwala kung sino ang taong ito.  “Budol Jim” ang itinawag ni Tom sa karakter ng kaniyang web komiks na patungkol sa taong nanloko sa kanya.

Umabot umano sa P20 million ang nakuha ng itinuring niyang kaibigan na akala raw ng acktor ay tutulong sa kaniya upang madagdagan ang kaniyang savings upang matuloy ang pinaplano nilang resthouse ni Carla. Pero imbes na kumita, nawala pang parang bula ang nasabing pera na pinaghirapan ng aktor.

Dahil na-scam si Tom, nag-away sila ni Budol Jim at para makaganti kay Tom, binuking kay Carla ang mga nagawa o ginawang kalokohan ni Tom.

Dalawa ang kasalanan ni Budol Jim kay Tom, ini-scam na nga ang aktor, siniraan pa kay Carla, kaya pala nasabi ni Carla na “she was betrayed, lied, used, and made to look stupid.”

Inaantabayanan din kung idedemanda ni Tom si Budol Jim dahil milyones ang nawala sa kanya, pera na pinaghirapan, pinagpuyatan at pawis ng aktor. Inaabangan na rin ang susunod na chapter ng web komiks na The Worst Man para malaman ang gagawin ni Tom.

Sa ngayon healing pa ang aktor, kaya ha­ya­an muna natin siyang gumaling emotio­nally and spiritually. Hindi naman siya pababayaan ng GMA Network. Pero kung ang supporters ni Tom ang masusunod, gusto nilang bumalik siya ng Pilipinas at bumalik sa trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *