Tom Rodriguez, kinausap si Rey “PJ” Abellana tungkol sa napapabalitang issue nila ni Carla Abellana

Ibinahagi ni Rey “PJ” Abellana ang naging pag-uusap nila ng kanyang son-in-law na si Tom Rodriguez nang personal siyang puntahan nito at nagpaliwanag tungkol sa pinagdadanan nilang issue ngayon ng asawang si Carla Abellana.

Matatandaan na ikinasal ang Kapuso showbiz couple noong October 23, 2021 sa San Juan Nepomuceno Parish Church, Batangas.

Kuwento ng veteran actor sa panayam sa kanya ng 24 Oras kagabi, “When he came over to talk to me and explain his side- he would cry along with his explanations and everything. And he keeps on saying na he wants his wife back!”

“He wants Carla back, because he loves Carla very much. That’s why they settled down.”

Umamin din si Rey “PJ” Abellana na nagkamali siya at hindi maayos ang kanyang paliwanag sa kumakalat na isyu tungkol kay Tom sa isang interview.

Paglilinaw ng ama ni Carla, “At first may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom.

“Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman din po katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari ‘yun. So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom side naman.”

Dagdag pa niya, “So ‘yun po ‘yung scenario ng isyu ng one-night stand napa-short cut lang po, napa-abrupt lang po pagkasabi ko kay Nanay Cristy.”

Hindi rin daw naiwasan mag-react ni Carla Abellana patungkol sa kanyang mga sinabi.

Ayon sa aktor, “She was questioning me why it came up that way. Of course, I explained it to her right away and after my explanation, hindi na naman din siya nag-message na uli.”

Nag-iwan naman din ng payo ni Rey “PJ” Abellana sa TomCar.

Aniya, “Importante na may communication silang dalawa, i-work out na nila yan, so much the better na ma-normalize na uli sila at maipatuloy na nila ‘yung buhay mag-asawa nila.”

Annulled na ang kasal ni Rey PJ sa ina ni Carla na si dating commercial model na si Rea Reyes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *