Tom Rodriguez, ipinasilip ang look niya sa ‘The World Between Us’

Aprubado sa netizens ang ipinasilip na new look ni Kapuso actor Tom Rodriguez para sa upcoming GMA series na The World Between Us.

Bukod kay Tom, tampok din sa naturang serye sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at award-winning actress na si Jasmine Curtis-Smith.

Iikot ang kuwento ng The World Between Us sa isang lalaking may prinsipyo na susubukin ang katatagan matapos siyang pagtaksilan ng mga taong itinuring niyang pamilya.

Kinakiligan naman ng netizens at supporters ni Tom ang tila ‘bad boy’ look ng Kapuso actor para sa serye.

Kasalukuyan nang nasa locked-in taping si Tom at iba pang cast ng The World Between Us matapos ang naganap nilang script reading.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *