‘To Have and to Hold,’ gabi-gabing tinututukan ng viewers!

Maraming viewers ng seryeng To Have and to Hold ang labis na nanggigigil sa inis kay Rafael Rosell sa kaniyang karakter bilang si Tony, ang babaerong mister ni Erica (Carla Abellana).

Sinira kasi ni Tony ang pagsasama ng mag-asawang Dominique (Max Collis) at Gavin (Rocco Nacino). Sinamantala niya na may pinagdadaanang problema ang dalawa kaya tinukso at binola-bola si Dominique.

Special participation lang si Rafael sa To Have and to Hold at sa pinakahuling kaganapan sa istorya ay mababaril si Tony at mako-comatose.

Mabibisto rin ni Erica na ang kasama sa resort ng kaniyang mister ay si Dominique.

Lalo pang tumitindi ang mga eksena ngayon sa To Have and to Hold at may mga sikretong mabubunyag. Magpapatuloy ba si Erica bilang martir na asawa? At si Gavin, mapapatawad ba ang nagtaksil niyang misis?

Dahil sa mas umiinit na eksena, hindi mabitaw-bitawan ng viewers ang primetime series ng Kapuso network.

Ayon sa datos mula sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, hindi pa bumababa sa 9% ang To Have and to Hold mula nang mag-premiere ito noong September 27.

Nakapagtala ang pilot episode ng bagong Kapuso primetime series ng 9.5% at naabot nito ang una nitong highest peak noong Miyerkules.

Sep 27Sep 28Sep 29Sep 30Oct 1
To Have and to Hold
(GMA-7 / Heart of Asia)
9.5%9.8%10.6%10.0%10.0%
Huwag Kang Mangamba
A2Z / TV5 / Kapamilya Channel / Jeepney TV
6.1%6.8%6.0%7.0%7.1%

Kapansin-pansin naman na medyo hindi na rin nagkakalayo ang agwat ng Kapuso at Kapamilya shows. Ito marahil ay dahil sa mas lumalawak na ang naabot ng Free TV networks na may blocktime agreement sa ABS-CBN.

Recently lang ay nakipag-partner na rin ang ABS-CBN Entertainment sa PRTV Tacloban, kaya naman mapapanood na ang ilang Kapamilya shows sa Tacloban at mga karatig na lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *