Tinalo pa si Marian? Bea Alonzo, sobrang laki ng talent fee

Marami ang nagtatanong kung gaano nga ba kalaki ang talent fee ngayon ni Bea Alonzo na hindi raw kinayang ibigay ng GMA Network.

Mas mataas pa kaya ito sa talent fee ni Kapuso primetime queen Marian Rivera, Heart Evangelista, Regine Velasquez, at Sarah Geronimo?

“Presyong ayaw” ba ang ibinigay ni Bea sa GMA kaya hindi natuloy ang negosasyon?

Matagal na rin naman na nagsikap si Bea bago siya naging sikat na artista. Marami siyang hirap na pinagdaanan bago nabigyan ng malalaking projects at naging bankable star.

Ang kaso nga lang, iba ang kalakaran sa showbiz. Nakadepende ang talent fee mo sa worth mo bilang isang Talent.

Totoo naman na maraming blockbuster movies si Bea noon, pero recently ay sunud-sunod ang mga pelikulang ginawa niya na hindi masyadong tinangkilik.

Dagdag pa riyan na ang karamihan sa fans ni Bea ay solid Kapamilya na aminadong hindi susundan si Bea sakaling lumipat ang aktres sa GMA-7.

Kaya naman magiging “worth it” ba kung patusin ng GMA-7 ang hinihinging talent fee ni Bea?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *