‘The World Between Us’ at ‘Ang Probinsyano,’ tuloy ang salpukan sa ratings!

Labanan talaga sa ratings ang The World Between Us ng GMA-7 at FPJ’s Ang Probinsyano ng Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

May araw na maliit lang ang agwat ng Probinsyano sa The World Between Us, may araw ding malayo ang lamang ng Kapuso series.

Talagang masasabi mong sila Coco Martin at Alden Richards ang mga hari ng telebisyon ngayon. Sila ang makikita mo sa buong linggo, at parang hindi pinagsasawaan ng tao.

Solid rin ang followers nila at hinahanap sila araw-araw, patunay ang mataas pa rin nilang rating sa primetime.

Grabe na sa tagal ang seryeng Probinsyano at si Alden naman ay may nakalinya na kaagad na bagong proyekto after ng The World Between Us.

Kay Alden daw nakalaan ang role bilang leading man ni Bea Alonzo sa first project ng aktres na gagawin sa Kapuso network.

Nangangahulugan itong hindi magtatagal at matatapos na ang series na pinagbibidahan nina Alden, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.

Hinangaan ng viewers ang husay ng performances nina Alden, Jasmine at Tom, maging ang kontribusyon sa series nina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.

Samantala, mukhang nakuha na ng Probinsyano ang formula kung paano magpahaba ng serye. Kaya naman kahit anim na taon na ito sa ere, hindi pa rin ito binibitawan ng viewers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *