‘The Penthouse,’ mapapanood na sa GMA Heart of Asia

Simula sa Lunes, April 26, maghanda na mabihag sa matinding kuwento ng tatlong kababaihan mula sa isang marangyang condominium na ipaglalaban ang kani-kanilang mga hangarin sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia, ang The Penthouse.

Matapos makagawa ng ingay dahil sa record-breaking ratings nito sa South Korea, mapapanood na ng mga Pinoy sa free TV ang multi-awarded series simula ngayong Lunes sa GMA Telebabad.

Ang The Penthouse ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Lee Ji-Ah, Kim So-Yeon, Eugene, Um Hi-Joon, Yoon Jong-Hoon, at Park Eun-Seok.

Tungkol ang serye sa mga mayayamang pamilya na naninirahan sa Hera Palace at kanilang mga anak na nag-aaral sa Cheong-Ah Arts School.

Lahat sila ay may mga ambisyon at hangarin para sa kanilang mga anak at handang gawin ang anumang bagay para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Gayunman, magsisimulan gumuho ang kanilang buhay nang may isang misteryosong babae ang nahulog mula sa mataas na palapag ng Hera Palace sa kalagitnaan ng isang pagdiriwang.

Habang pinipilit ng mga residente na ikubli ang katotohanan na may namatay na babae sa kanilang tinitirhan dahil bababa ang value ng Hera Palace, hindi nila maiiwasang paghinalaan ang isa’t isa sa nangyaring insidente.

Hanggang saan nila kayang gawin ang lahat para manatili sa tuktok at protektahan ang kanilang mga interes?

Mapapanood ang The Penthouse simula April 26, Lunes hanggang Huwebes, 10:20pm sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *