‘The Bureau of Magical Things,’ mapapanood na sa GMA Fantaseries

Samahan sina Kimie Tsukakoshi bilang si Kyra na tuklasin ang mundo ng mahika kasama ang fairies at elves sa pinakabagong handog ng GMA Fantaseries na The Bureau of Magical Things.

Makakasama rin ni Kyra sa kaniyang magical adventures ang magkapatid na elves na sina Imogen at Darra na gagampanan nina Elizabeth Cullen at Julian Cullen, gayon din ang fairy na si Lily (Mia Milnes).

Photo Credit: Nickelodeon

Noong unang panahon, magkasamang namumuhay ang mga tao, fairies, at elves. Nang dahil sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ng mga tao, napilitan ang fairies at elves na humiwalay ng mundo.

Pero isang araw habang nag-eehersisyo, magbabago ang buhay ni Kyra nang bigla na lamanag may nakitang lumulutang na libro sa daan.

Dahil sa pagkamangha, hinawakan niya ang libro at bigla na lang nagkaroon ng isang pagsabog.

Photo Credit: Nickelodeon

Sa paggising ni Kyra mula sa pagsabog, nabuksan ang mga mata niya sa mundo ng mahika at nakilala niya sina Imogen at Lily, na silang nag-aagawan sa lumulutang na libro na nakita ni Kyra.

Nang dahil sa libro, magkakaroon ng mahika si Kyra at malalamang totoo ang magical world. Saan kaya dadalhin si Kyra ng magical adventure na ito lalo na ngayong nanganganib ang kaligtasan ng mga tao, fairies, at elves?

Ano kaya ang magiging papel ni Peter (Jamie Carter), na isa ring mortal, sa pagtuklas ni Kyra sa mundo ng mahika?

Simula September 27, mapapanood na ang The Bureau of Magical Things sa GMA Fantaseries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *