TFC, mas preferred pa rin ng mga Pinoy sa Amerika

Marahil nga ay GMA Network ang nangununa sa local market matapos mawala sa free TV ang ABS-CBN, pero hindi pa rin nito natatalo ang Lopez network sa Amerika.

Marahil nga ay GMA Network na ang nangununa sa local market matapos mawala sa free TV ang ABS-CBN, pero hindi pa rin nito natatalo ang Lopez network sa Amerika.

Nanatili pa ring big flop sa sales (subscription at syndication) ang international arm ng GMA na GMA Pinoy TV matapos bumaba sa 14 percent ang kita nito sa unang anim na buwan ng 2021.

Ito ang ikalawang taon na bumaba ang sales ng GMA Pinoy TV matapos bumaba ito ng 12 percent noong nakaraang taon.

Parehong bumaba ang kita ng GMA Pinoy TV sa subscription at syndication, na lalo pang pinalala ng paglakas ng Philippine Peso (up five percent o P2.27 hanggang isang dolyar).

Itinuturo ng GMA na ang mahinang performance ng GMA Pinoy TV ay dahil sa “presence of alternative media especially in the digital platform (as) a major factor for the shift in consumer/subscriber preference.”

Ang hindi lang sinabi ng GMA ay mas preferred pa rin ng mga Pilipino sa Amerika ang mga programa sa TFC ng ABS-CBN kesa sa mga programa ng GMA Pinoy TV kahit nang mag-expire na ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 2020.

Ayon sa datos mula sa TV analytics provider Comscore para sa buwang July 2021 (na inilabas ng ABS-CBN), isang programa lang ng GMA Pinoy TV ang nakapasok sa Top 20 TV programs na tinatangkilik ng mga Filipino subscriber, habang karamihan naman ng TFC shows ang nanguna sa listahan.

Ang pinakapinapanood na programa ng GMA Pinoy TV na Pusong Pinoy sa Amerika ay top 17 sa listahan.

Ayon din sa datos ng Comscore, may 193,000 households ang nanonood ng TFC at 58 hours kada subscriber. Samantalang 159,000 households naman ang nanonood ng GMA Pinoy TV at 42 hours ang pinapanood ng kada subscriber.

Mas naunang magkaroon ng international arm ang ABS-CBN. Inilunsad ang The Filipino Channel (TFC) noong September 1994.

Samantalang noong 2005 lang inilunsad ng GMA Network ang GMA Pinoy TV, kaya hindi na rin masama ang 159,000 subscribers ng GMA sa Amerika.

One thought on “TFC, mas preferred pa rin ng mga Pinoy sa Amerika

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *