Taping ng ‘Prima Donnas Season 2,’ nagsimula na!

Matapos ang ilang buwang paghihintay, masaya ang main stars ng ‘Prima Donnas Season 2’ dahil muli silang nagkasama-sama para sa lock-in taping ng inaabangang pagbabalik ng top-rating Kapuso afternoon series.

Nagsimula ang second season ng GMA’s well-loved afternoon drama noong September 27, same date nang magsimula ang first lock-in taping nila last year.

Sina Kapuso stars Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo ay magbabalik upang bigyang buhay ang mga karakter na sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn, respectively, habang si Elijah Alejo ay magbabalik din bilang Brianna.

Magbabalik rin ang mga batikang artista na kinabibilangan nina Katrina Halili, Wendell Ramos, at Aiko Melendez para sa isang mala-rollercoaster na season. Dagdag din sa star-studded cast si Sheryl Cruz bilang Bethany Howards.

Isa rin sa magbabalik ay ang veteran actress na si Chanda Romero bilang matriarch ng Claveria clan na si Lady Prima.

Bagamat nabakunahan na ng anti-covid vaccine ang ilang stars at production crew, sumailalim pa rin sila sa mandatory 10-day quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

Sa set, tanging ang mga artista lang ang maaaring mag-alis ng kanilang face masks kapag rumorolyo na ang camera. Kapag tapos na ang taping, required ang lahat na isuot ang kanilang face mask bilang safety precaution.

One thought on “Taping ng ‘Prima Donnas Season 2,’ nagsimula na!

  1. Sana may pag-asa yung lock in taping ng Rosang Agimat, Taiwan and Only, Running Man Philippines, Boys Over Flowers (Pinoy Remake), Starstruck 8, Starstruck Kids 2, at Magkassangang Dikit na malapit na po dito sa GMA this 2022!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *