Story of Yanxi Palace, ipapalabas sa ABS-CBN

Mapapanood na ngayong January 27 sa ABS-CBN ang Story of Yanxi Palace na itinanghal na Best Telenovela or Soap Opera sa 2019 Asian Academy Creative Awards (Regional).

Ang kwento nito ay umiikot sa isang ordinaryong babae na pumasok bilang isang tagapaglingkod sa palasyo upang malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang kapatid.

Gamit ang kanyang tapang at talino, papasukin ng mapanlinlang na si Wei Yingluo (Wu Jinyian) ang Forbidden City upang ungkatin ang mga pangyayari na humantong sa pagpaslang ng kanyang kapatid.

Malalaman ni Yingluo ang koneksyon ng kapatid ng emperador at ang kapatid ng emperatris sa pangyayaring ito. Magsisilbing motibasyon ang kanyang nalalaman sa kanyang pag-angat at pagkamit sa puso ng emperador.

Gayunpaman, magiging malupit kay Yingluo ang tadhana dahil marami s’yang pagdadaanang paghihirap maging ang mga taong malapit sa kanya.

Maging saksi sa pag-ahon at paglaban ni Yingluo sa mga pagsubok na kanyang haharapin, at kung paano unti-unting mapapalapit ang kanyang puso sa emperador.

Tinaguriang Most Viewed Online Series matapos itong mapanood ng 15 bilyong beses at naging Most Googled Show noong ipinalabas ang first episode nito, mapapanood na rin dito sa Pilipinas ang 70-episode Chinese Drama series na ito.

Sa 2019 Asian Academy Creative Awards din nanalo ang mga TV show ng Pilipinas na The General’s Daughter ng ABS-CBN at ang animated series na Barangay 143 ng GMA-7. Nanalo rin ng Best Visual or Special FX ang Mystified ng Sanggre Productions at Best Comedy Programme ang Pepito Manaloto ng GMA.

Huwag palalampasin ang Story of Yanxi Palace ngayong January 27 na sa ABS-CBN Primetime Bida, pagkatapos ng A Soldier’s Heart.

Magsisimula na rin sa Lunes ang makakatapat nitong programa sa GMA, ang Angel’s Last Mission.

ALSO READ: Angel’s Last Mission, mapapanood na sa GMA-7

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *