#SolidKapuso: Maureen Larrazabal, 15 years nang loyal sa GMA Network

Malalim ang dahilan kung bakit nanatiling loyal sa GMA-7 ang Kapuso comedienne na si Maureen Larrazabal.

Ngayong Huwebes ng hapon (October 7), masayang ibinalita ng Bubble Gang comedienne na nag-renew uli siya ng contract with GMA Artist Center – kung saan 15 years nang Kapuso ang versatile actress.

Sa panayam kay Maureen ni Aubrey Carampel sa media conference niya with the GMA-7 press people, ibinahagi ng aktres ang ginawa ng network sa kaniya ng nagkaroon siya ng health problem at nabulag for two years.

Malaki ang pasasalamat ni Mau sa pag-alalay at pagmamahal sa kaniya ng Kapuso Network, hanggang manumbalik ang kaniyang paningin matapos makatanggap siya ng cornea mula sa isang donor.

Pagbabalik-tanaw ng komedyana, “The reason why I’m truly grateful, there was a time in my life na nabulag ako for two years and they did not give up on me.

“I was given a show, I think if I’m not mistaken Kool Ka Lang ‘yun or Lagot Ka, Isusumbong Kita, where ginawa ko pa rin siya, tuloy-tuloy ako [bilang] part ng show, even if inalalayan lang ako.

“Nire-read nila ‘yung script ko, inulit-ulit lang nila sa akin para ma-memorize ko. So, ‘yung time na nabulag ako at wala ako nakikita, they were there for me. Hindi nila ako ni-let go.”

In Photo: Maureen Larrazabal with Herlene Budol (left) and Maxine Medina (right)

Kahit nagkaroon din ng offer ang kabilang network kay Maureen, mas nanaig umano ang tibay ng relasyon na nabuo niya bilang Kapuso kaya mas pinili niya mag-stay sa Kapuso Network.

Kuwento pa ni Maureen, “Actually, I was offered twice already and there was a time na kinakausap ‘yung handler ko to give me a copy of my contract, kasi usually ‘yun ‘yung unang ginagawa, e, you review your contract. Check kung ano ang mga loopholes na puwede or kung matatapos na ba and everything, so that you can transfer.”

“And I have somebody na very close to me from the other network, too. So, sinasabi nila sa akin ‘you go back.’ Kasi I started with ABS-CBN.

“But, I’m the type of person, who’s really very grateful — importante sa akin ang loyalty. Importante rin sa akin ‘yung mga tao na tinulungan ako ng walang kapalit, hindi man lang sila nag-isip, during that time na kailangan ko rin talaga sila,” dagdag pa niya.

Isinalarawan pa ng Kapuso actress na isang “savior” ang home network na tila binigyan siya ng “second life” sa kabila ng matinding problema na kinakaharap niya noon.

Aniya, “They placed me, nilagay ako sa isang show nila, pinagtrabaho nila ako. To them, binigyan nila ako ng work, but to me they gave me life, kasi importante magawa nila sa akin ‘yun dahil nung time na ‘yun bulag ako. During that time na napaka-down ko, to them tinulungan lang nila ako. Pero para sa akin savior kko sila.”

“Pero ang GMA, hindi nila ako binitawan — ni hindi nila kinausap about it, wala, basta binigyan pa rin nila ako ng work. So, importante sa akin ang gratitude, importante sa akin ang loyalty. Importante sa akin ‘yung mga taong tumutulong sa akin sa mga panahon na wala ako,” kuwento pa ni Maureen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *