Solid Kapuso: Barbie Forteza, nag-renew ng kontrata sa GMA!

Muling pinatunayan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na siya ay #ProudToBeKapuso.

Kahapon ay muling pumirma ng management contract si Barbie sa GMA Artist Center at ngayong araw, November 19, ay nag-renew siya ng exclusive contract sa GMA Network.

Ibinahagi ni Barbie sa kaniyang Instagram account ang tungkol sa panibagong yugto ng kaniyang Kapuso journey. Caption ng dalaga, “I am overwhelmed and grateful to have renewed my network contract with @gmanetwork ❤️

“I literally can’t ask for anything more. Thank you for your continued trust and I promise to always give my best in everything that I do.

“Sa aming GMA Bosses : Mr. Felipe Gozon, Mr. Gilberto Duavit Jr., Mr. Felipe Yalong, Ms. @annettegozonvaldes & Ms. @ligoras grabe nanginginig ako just typing these names. Maraming salamat po sa inyong walang hanggang patitiwala. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

“Sa aming Artist Center Bosses : Mr. @simounferrer , Ms. Gigi Lara, Ms. @joymarcelo1115 , Ms. @jannavarro74 maraming salamat po sa pasensya and for always being nice to me. Ibang klase po kayo magalaga! 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

“To my handler, Ate @_diana8_ maraming salamat sa pagintindi sakin, pagpasensya at sa mga payo mo. Da best ka! ❤️

“Sa aking mga kaibigan, @teambarbieforteza hindi mangyayari sakin to kundi dahil sa inyo. Mahal na mahal ko kayo!!! ❤️❤️❤️

“I am Barbie Forteza, always Proud to be Kapuso.”

Nagsimula ang showbiz career ni Barbie nang gumanap siya bilang batang Jodi sa Philippine adaptation ng 2003 South Korean television drama series na Stairway to Heaven na ipinalabas sa GMA-7.

Dahil sa kaniyang angking galing at husay sa pag-arte, nagsunud-sunod ang mga ginawa niyang projects sa Kapuso Network at karamihan ay lead role.

Ilan sa mga pinakatumatak niyang karakter ay si Cindy sa First Time (2010), Charity sa Pilyang Kerubin (2010), Bambi sa Tween Hearts (2010-2012), Nita sa Nita Negrita (2011), Katherine/Mylene sa Ikaw Lang Ang Mamahalin (2011-2012), Blanca sa Luna Blanca: Ang Ikalawang Yugto (2012), Karen sa Anna Karenina (2013), Diana sa The Half Sisters (2014-2016), Billie sa Meant To Be (2017), Inday sa Inday Will Always Love You (2018), Kara sa Kara Mia (2019), at Ginalyn sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday (2020-2021).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *