Sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, nasa pre-production stage na!

Mukhang tuloy ang sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7.

Tumawag kasi ang isang staff ni Direk Bobot Mortiz para mag-inquire kay Benjie Paras at Sandy Andolong para i-present sa budget hearing ng project.

Nangangahulugan lang ito na gumagalaw ang pre-production at tuloy ang project.

Hindi totoo na shelved na ito at wala nang gagawing sitcom si John Lloyd.

Baka nga umalis si Willie Revillame sa project dahil may ibang planong tatahakin ang Wowowin host, pero itinuloy pa rin ni direk Bobot ang proyekto at mukhang okay naman sa GMA-7 na sila ang mag-produce.

Kaya malamang ay baka isa ito sa mga bagong show ng network na ipe-present sa trade launch na ginaganap bago matapos ang taon.

New show, new home, at new concept ito para kay John Lloyd at direk Bobot. Ang dapat na lang nating hintayin ay kung matutuloy ba si Andrea Torres sa sitcom, na nagpahayag na excited makatrabaho si John Lloyd sa isang project.

Tiyak na magiging exciting ang 2022, dahil bukod sa tambalang John Lloyd at Andrea, sisimulan na rin ni Bea Alonzo ang bago niyang serye na malamang ay kasama rin sa omnibus plug ng GMA Network.

Exciting ang magiging presentation ng GMA-7 kung sakali dahil may mga bago silang Kapuso Talents na ipe-present.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *