Sinabihang traydor: Karla Estrada, umanib sa nagpasara ng ABS-CBN

Galit na galit ang Kapamilya fans sa nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada. Ang rason, tumakbo raw ito sa party-list na sabi-sabing isa sa mga nagpasara sa ABS-CBN.

“Just want to let you know that yung party-list na kinabibilangan ni Tita Karla ay isa sa mga nag-yes para mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Wag po sana tayong makalimot!” sabi ni @fOrdozen.

Makikita nga na si Yedda Marie Romualdez ang representative ng Tingog Sinirangan, at isa nga siya sa mga nag-yes para ipasara ang ABS-CBN dahil sa mga nakitang paglabag sa prangkisa nito.

“We are not in favor with the partylist that you chose that obviously said yes to ABS-CBN shutdown. Withdraw now,” paalala ni @supreimokath.

“This isn’t your arena. How can you fathom being with someone who voted against the franchise of your network, and supports dictatorship and plunder?” hirit naman ni @KathNiel_dump.

“Sina Kathryn, Daniel ang babalikan niya,” sabi ni @chloe na nangangambang baka i-bash ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na may upcoming series sa Kapamilya Channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *