Sikat na K-Drama na ‘Start-Up,’ magkakaroon ng Pinoy adaptation!

Marami ang matagal ng naghihintay sa tambalan nina Bea Alonzo at Alden Richards. Matagal na itong naging usap-usapan noon, pero hindi kumpirmado kung anong palabas ang kanilang pagtatambalan.

At ngayon nga ay ginulat tayo ng Kapuso Network dahil hindi lang nila pagtatambalin ang dalawa kundi magtatambal pa ang mga ito sa isang adaptation ng sikat na South Korean series na Start-Up.

Sa isang partnership sa nangungunang entertainment company na CJ Entertainment, muli na namang maghahatid ng dekalibreng teleserye ang GMA-7 at nakatakda nang simulan ang lock-in taping sa susunod na buwan.

Ayon kay Lilybeth G. Rasonable, Senior Vice President for GMA Entertainment Group, excited na siyang iprodyus ang local version katuwang ang CJ Entertainment dahil ito ay panibagong milestone para sa GMA, “This is one of my favorite K-Dramas because of its inspiring story about reaching for one’s dreams, with all the engaging story elements about love — romantic love, filial love, love between friends, set against a modern backdrop which I am sure our audience will find very interesting.

“What makes this even more exciting is the Filipino cast that we have put together to bring the characters of Start-Up closer to the Filipino audience.”

Pahayag naman ni Sebastian Kim, Director ng Global Content Sales ng CJ Entertainment, “GMA has always been a great partner, and it is great to see them remaking one of my favorite series in the Philippines.

“Starting with Start-Up, which has a well-established storyline and unique characters, we are willing to actively carry out more adaptations of dramas with GMA in the future for the fans in the Philippines.”

Na-acquire ng Kapuso network ang exclusive rights para iprodyus ang remake at nakatakda na itong umere sa Philippine television ngayong taon.

Nilikha at produkto ng Studio Dragon, ang Start-Up ang tumatalakay sa kuwento ng isa sa most advanced tech sectors sa mundo at ipapakita nito ang mga pakikibaka at mga pagsubok na kailangang pagdaanan upang magkaroon ng matagumpay na negosyo mula sa wala.

Pinagbibidahan nina Korean stars Bae Suzy, Nam Joo-Hyuk, Kim Seon-Heo at Kang Han-na, ang serye ay magaganap sa fictional company na Sandbox kung saan magsisimula abutin ng mga batang entrepreneur na ito ang kanilang mga pangarap.

Excited na din ba kayo mga sa Pinoy adaptation ng Start-Up?

Wala pang eksaktong detalye kung kailan eere ang unang serye na pagtatambalan nina Bea Alonzo at Alden Richards, ngunit makakaasa kayo na isa kami sa mga pinakaunang magbabalita ng mahahalagang impormasyon patungkol dito. Abangan nyo mga Kaburyong!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *