Sikat na aktor, desidido na sa pagtakbo sa politika!

Usap-usapan na ang balak ng isang sikat na aktor na pasukin ang mundo ng politika. Kinukumbinsi raw kasi ng dati niyang nakatrabaho na nasa politika na ngayon na kaya raw niyang manalo kahit senador pa ang takbuhan niyang posisyon.

Pero hindi raw pabor ang kaniyang ilang katrabaho na pasukin niya ang politika dahil mas mabuting mag-focus na lang daw siya sa kaniyang showbiz career.

Makakatulong naman daw siya sa taumbayan kahit hindi siya tumakbo sa darating na halalan, pero tila mas pinakikinggan daw ng sikat na aktor ang politikong nakatrabaho niya noon.

Hindi na raw niya pakikinggan ang payo ng ilang taong malapit sa kaniya, kahit pa ang manager niya.

Tila pursigido na ito sa kaniyang balak sa 2022 elections kaya pinaplano na ring wakasan ang kaniyang pinagbibidahang teleserye.

Samantala, may nakaplano namang ibang teleserye para sa kaniya ang management ng kaniyang network sakaling hindi nito ituloy ang pagtakbo sa pelikula at itatambal siya sa kaniyang real-life girlfriend.

One thought on “Sikat na aktor, desidido na sa pagtakbo sa politika!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *