Sid Lucero, balik-GMA na!

Kasama sa cast ng upcoming Kapuso series na The World Between Us si Sid Lucero. Gaganap siya bilang main villain at magpapahirap sa karakter ni Alden Richards.

Hindi pa nagte-taping si Sid dahil lalabas ang kaniyang karakter sa later part ng kuwento, kaya hindi siya nasama sa umereng teaser ng serye na world premiere na sa July 5.

Huling napanood sa isang regular TV series ang nagbabalik-GMA na si Sid Lucero noon pang 2017 sa Alyas Robinhood.

Lumipat siya sa ABS-CBN at naging bahagi ng longest running action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano (2017-2018) at A Soldier’s Heart (2020). Rumaket rin siya sa ilang episode ng Ipaglaban Mo!

Laking-tuwa naman ni Tom Rodriguez nang mabalitaang kasama sa cast ang idolo niya. Wish nitong magkaroon sila ng eksena na magkasama para ma-experience niyang makaeksena ang para sa kaniya’y “the best actor in this generation.”

Para sa dating stepmom ni Sid na si Jaclyn Jose, siya rin ang “best actor in this generation.”

Nahiya si Sid nang marinig ito kay Jaclyn at inamin namang iniiwasan niyang makaeksena ang akgres dahil kapag kaeksena niya ito, kailangang mas husayan niya pa para hindi siya kainin sa eksena.

Nagpapasalamat naman si Sid na napasama siya sa cast ng The World Between Us. Sa husay niya sa pag-arte, asahan nating matitinding aktingan ang mapapanood dahil na rin sa mga bigating artista na sa kasama sa cast.

Pakiramdam din ni Director Dominic Zapata na masuwerte siya dahil nabibigyan siya ng magagandang proyekto at magagaling na aktor.

Abangan si Sid Lucero sa The World Between Us na ipapalabas na sa July 5 sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *