Sharon Cuneta, sinalubong ng masamang balita

Sinamahan ni Sharon Cuneta kahapon sa paglibot ang asawang si Senator Kiko Pangilinan sa Tarlac at Pampanga.

Sa Instagram post ng Megastar nitong nakaraang araw, 10am ang schedule niyang lumibot sa Gerona at Tarlac City Public Market.

Kahapon ay napaulat naman ang pagpanaw ng Tarlac congressman na si Charlie Cojuango sa edad na 58 ayon sa Facebook post ng kaniyang asawang si China Jocson.

Si Charlie ay anak ng namayapang business tycoon na si Danding Cojuangco. Naging malapit noon si Sharon kay Rep. Charlie.

How ironic na sa pagbisita ni Sharon sa Tarlac, kasabay nito ang balitang pagpanaw ng congressman ng Tarlac.

Walang inilabas na detalye ukol sa pagpanaw ng kongresista.

Kami ay nakikiramay sa mga naulila ni Rep. Charlie Cojuangco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *