‘Seobok’ ni Gong Yoo at Park Bo-Gum, no.1 sa box office!

Nangunguna sa South Korean box office sa magkakasunod na apat na araw ang sci-fi film na Seobok na pinagbibidahan nina Gong Yoo at Park Bo-Gum.

Ayon sa Korean Film Council, nagta-track ng mga box office receipts, nangunguna sa takilya ang Seobok mula pa nang magbukas ito sa mga sinehan noong April 15.

Nag-premiere ang Seobok na No. 1 noong April 15, kung saan nakabenta ito ng 45,153 tickets at kumita ng $362,545 o 59.87 percent revenue share noong araw na iyon.

Nanguna rin ang pelikula sa weekend box office mula April 16 hanggang 18 with 163,523 admissions at sales na $1.42 million o 41.35 percent ng kabuuang kita ng South Korean cinema sa mga araw na iyon.

Dahil sa patuloy na coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nagdesisyon ang South Korean entertainment company na CJ ENM na ipalabas sa sinehan at sa kanilang over-the-top (OTT) video streaming platfom na Tving ang Seobok.

Ang Seobok ay kuwento ni Gi-Heon (played by Gong Yoo) na isang former intelligent agent na may taning na ang buhay. Naatasan siyang ihatid ang kauna-unahang human clone na si Seobok (Park Bo-Gum) sa isang ligtas na lugar. Sa pagpunta nila sa ligtas na lugar, may mga taong pilit na kukunin si Seobok.

Malaki ang ginastos sa pelikula na umabot sa 16.5 billion won (P675.9 million pesos) kaya inaasahang bebenta ito sa takilya.

Narito ang 10 top-grossing movies ayon sa Korean Film Council’s weekend box office tally mula April 16 hanggang 18:

  1. “Seobok” – $1,428,181 (revenue) / 163,523 (ticket sold)
  2. “Detective Conan: The Scarlet Bullet” – $673,305 / 78,701
  3. “Demon Slayer: Mugen Train” – $298,952 / 33,024
  4. “Nobody” – $217,269 / 25,013
  5. “The Book of Fish” – $183,036 / 21,767
  6. “Godzilla vs. Kong” – $159,467 / 17,855
  7. “Young Adult Matters” $95,232 / 10,755
  8. “Minari” – $93,331 / 10,724
  9. “Nomadland” – $88,014 / 9,987
  10. “The Father” – $33,746 / 4,197

ALSO READ: ‘Book of Fish’ at ‘Godzilla,’ gitgitan ang labanan sa box office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *