Sen. Bong Revilla, balik lock-in taping; Sanya Lopez, kasama pa kaya sa ‘Agimat ng Agila’ sequel?

Naging emosyonal si Sen. Bong Revilla sa kaniyang “Agimat ng Agila Giveaway Contest” sa Facebook noong nakaraang Sabado, pagkatapos ng airing ng 11th episode ng action-adventure series niya sa GMA-7.

Tuwing Sabado ay namimigay siya ng cash prizes at gadgets pagkatapos ng Agimat ng Agila.

Tinawag siya nina Mayor Lani Mercado at Vice Governor Jolo Revilla para simulan na ang pamimigay ng papremyo. Pero nagsalita muna si Sen. Bong para pasalamatan ang lahat na patuloy pa ring sumusuporta sa kaniya kahit dumaan siya sa maraming dagok noong mga nakaraang taon.

Malaki ang tuwa ni Sen. Bong dahil sa magandang balita noong nakaraang linggo na naabsuwelto siya sa lahat ng kasong isinampa sa kaniya sa Ombudsman.

Nai-grant ng Sandiganbayan ang demurrer of evidence sa natira pa niyang kasong Graft and Corruption. Kaya naman paulit-ulit siyang nagpasalamat sa lahat ng nagtitiwala at sumusuporta sa kaniya. Pinasalamatan niya rin ang mga patuloy na nagdasal para sa kaniya, sa kaniyang pamilya at higit sa lahat sa Diyos.

“Alam mo talagang God is so good. Kaya ang masasabi ko lang, Lord, thank You very much. Thank You, Lord,” sambit ni Sen. Bong.

Samantala, kahapon ay nag-taping si Sen. Bong sa Tanay, Rizal ng ilang eksenang kailangan para sa huling dalawang episode ng Agimat ng Agila.

Pagkatapos daw nito ay aayusin na raw nila ang season 2. Karamihan daw sa cast ay mari-retain sa bagong season, pero wala pang kumpirmasyon kung kasali pa rin sa cast si Sanya Lopez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *