Season break finale ng ‘The World Between Us,’ tinalo ng ‘Probinsyano?’

Kumalat sa social media ang isang graphics na nagpapakitang tinalo umano ng FPJ’s Ang Probinsyano ang top-rating Kapuso primetime series na The World Between Us.

Subalit dahil sa talas ng mata ng netizens, napag-alamang ang kumalat na graphics ay edited lamang.

Ang nasabing graphics ay edited ratings noong August 13 (Friday) na ginawang August 27 at pinagpalit ang FJP’s Ang Probinsyano at The World Between Us.

Samantala, ngayong araw ay lumabas na ang datos mula sa Nielsen Philippines.

Ayon sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ang season break finale ng The World Between Us ng 12.7% noong Biyernes, August 27. Mas mataas pa rin ito kumpara sa 10.8% ng FPJ’s Ang Probinsyano na napapanood sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Jeepney TV, at Cinemo.

Malayo pa rin ang agwat ng Legal Wives sa katapat nitong Kapamilya program na Huwag Kang Mangamba.

Naka-10.5% ang Legal Wives ng GMA-7 at 7.2% naman ang Huwag Kang Mangamba.

Mas pinapanood pa rin ang rerun ng Endless Love na naka-8% kumpara sa Init sa Magdamag na naka-4.8%.

Wagi naman sa ratings ang Kapamilya series na La Vida Lena na naka-3.7% laban sa Bubble Gang na naka-3.6%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *