Sanya Lopez, nakikitaan ni Mr. M ng potensyal

Mukhang si Sanya Lopez na ang flavor of the season dahil sa sunud-sunod na trabaho niya sa Kapuso network after ng top-rating primetime series na First Yaya.

Nag-renew ng exclusive contract si Sanya sa GMA Artist Center kamakailan lang at sa virtual event ay kabilang ang bagong GMA Artist Center Consultant na si Mr. Johnny Manahan a.k.a. Mr. M na present sa pagpirma ng aktres.

Nag-blush pa si Sanya sa mga papuri na ibinigay ni Mr. M sa kaniya dahil napanood niya ito as Melody sa First Yaya.

Ani Mr. M, “She’s a very talented and beautiful actress and (I’m) excited to be a mentor for her.

“I am sure, with the guidance of the artist center, she will reach new heights.

“Magaling siya eh, tulad ng sabi ng iba, mabait siya, kaya importante rin ‘yun.”

Kabilang si Sanya sa mga gustong makilala ni Mr. M noong maging official na Kapuso ang kilalang star-builder.

Hindi makapaniwala si Sanya na si Mr. M na ang nagsabing magaling siya at nangakong tutulungan siyang mas mailabas pa ang kaniyang husay sa mga susunod pa niyang mga proyekto sa GMA-7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *