Sanya Lopez, laglag na sa ‘Agimat ng Agila’ Book 2? Maja Salvador, magiging Dabarkads na?

Sa susunod na buwan ay magsisimula nang mag-taping si Sen. Bong Revilla sa book two ng Agimat ng Agila.

Nilinaw ng senador na kasama pa rin si Sanya Lopez sa Book 2 ng Agimat ng Agila. Aniya, “Kasama si Sanya. May madadagdag lang.”

Hindi naman niya sinagot kung si Andrea Torres na nga ba ang bagong leading lady niya, basta surprise na lang daw.

“Basta magti-taping na po kami mid of October, dahil magri-recess kami. Kaya abangan n’yo kung sino man ang magiging leading lady ko. Hindi pa namin puwedeng i-reveal,” napapangiting sagot ni Sen. Bong.

Samantala, mukhang mukhang may bagong dagdag rin na host sa longest running noontime show na Eat Bulaga!

Sa episode noong September 25, inanunsyo ng Dabarkads na sina Ryan Agoncillo at Jose Manalo na may bagong makikigulo sa noontime show na tiyak daw na ikatutuwa ng viewers.

Ani Ryan, “Isa sa pinaka MAhusay na aktres, at isa sa pinaka MAhusay sa sayawan sa industriya ngayon.”

Banat naman ni Jose, “Aba, ibang klase ‘yan ah. Parang To.. Chudu-chudo (Todo-todo) na ‘to ha. Ibig mong sabihin, MApapahanga ka, MApapanganga ka rin sa galing…”

Singit muli ni Ryan, “Pero mga Dabarkads, abangan n’yo po ‘yang mga sinasabi nating ‘yan. MAbabaliw kayong lahat. Hindi ninyo ine-expect na MAgbu-Bulaga ‘yan.”

Dahil sa pag-emphasize sa pantig na “Ma,” ang hula ng netizens na bagong Dabarkads ay walang iba kundi si Maja Salvador. Ito na kaya ang hudyat na tuloy na ang paglipat ni Maja sa Kapuso Network?

One thought on “Sanya Lopez, laglag na sa ‘Agimat ng Agila’ Book 2? Maja Salvador, magiging Dabarkads na?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *