CONFIRMED: Sanya Lopez, itatambal kay Sen. Bong Revilla sa ‘Agimat ng Agila’

Hashtag #Blessed si Sanya Lopez dahil dalawang serye ang nakatakda n’yang gawin sa GMA-7.

Una na rito ang Lolong ng GMA Public Affairs kung saan makakasama n’ya sina Ruru Madrid at Kim Domingo.

Ang ikalawa naman ay ang comeback series ni Senator Bong Revilla na Agimat ng Agila.

Makakasama nina Sanya at Sen. Bong sa upcoming drama-fantasy program ng Kapuso Network ang 2019 MMFF Best Actor na si Allen Dizon at ang premyadong aktor na si Roi Vinzon.

The Cast of Agimat ng Agila

Isa lamang ang Agimat ng Agila sa mga espesyal na programa ng GMA-7 para sa selebrasyon ng kanilang ika-70 anibersaryo.

Nauna nang ipalabas ang Anak ni Waray Vs Anak ni Biday at Love of My Life na talaga namang tinutukan ng mga Kapusong manonood.

Ipapalabas na rin sa Lunes, February 10, ang inaabangang Pinoy adaptation ng South Korean drama series na Descendants of the Sun.

Marami pang naka-linyang bigating palabas ang network at meron ding mga surpresa na dapat abangan ng avid viewers ng Kapuso Network.

ALSO READ: GMA Upcoming Shows for 2020

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *