Sanya Lopez, Bianca Umali, Gabbi Garcia, nag-dinner kasama si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

Namataang maggkakasama kahapon, July 20, ang Kapuso actresses na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali at Miss Universe 2020 Rabiya Mateo sa isang private dinner.

Makikitang masayang nagkukuwentuhan sina Sanya, Gabbi at Bianca habang kumakain at nagpakuha rin ng litrato ang mga ito kasama si Rabiya.

Gray na dress ang suot ni Sanya, naka-all black naman si Gabbi, si Bianca naman ay naka-immaculate white, habang green gown naman ang suot ni Rabiya.

Nagpakuha rin ng photos sina Sanya at Rabiya habang hawak-hawak ang bewang ng isa’t isa.

Naging usap-usapan noong Hunyo ang posibilidad na pagsali ni Sanya sa Miss Universe dahil si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na mismo ang nag-alok kay Sanya para sanayin sakaling gustuhin nitong sumali sa nasabing beauty pageant.

Nagsimula ito nang mag-trending sa social media ang bikini scene ni Sanya sa First Yaya kung saan marami ang humanga sa “jaw-dropping beach body” ng aktres.

Dahil sa angking ganda at kaseksihan, hinihikayat siya ng kaniyang mga tagahanga na sumali sa Miss Universe.

May dapat kaya tayong abangan sa pagkikitang ito nina Sanya at Rabiya?

Samantala, spotted din sa nasabing dinner si GMA Films president and programming consultant to the chairman Annette Gozon-Valdes.

May pelikula o teleserye kayang gagawin ang apat na magagandang dalaga?

Pipirma na kaya ng kontrata si Rabiya sa GMA-7 at maging isa nang ganap na Kapuso?

Samantala, mapapanood si Bianca sa GMA upcoming series na Legal Wives bilang si Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *