Sablay at palpak daw ang jokes: Kim Chiu, pinapatanggal sa Showtime?

Maraming nagtataka at nagtatanong kung bakit nababalitang aalisin na si Kim Chiu sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Napaka-lively nga ng show kapag naroon ang Chinita Princess dahil umaapaw ang kaniyang energy at bigay na bigay sa pagho-host.

Matagal na rin namang naging bahagi ng It’s Showtime si Kim kaya naman gamay na gamay na niya ang mga hosts ng show.

Pero nitong mga nagdaang linggo, napansin ng viewers na hindi na isinasalang sa mga segment si Kim kahit nandu’n siya sa studio.

Samu’t saring ispekulasyon ang lumalabas ngayon na mga dahilan umano kung bakit nanganganib na matanggal sa show ang Chinita Princess.

May mga nagsabing medyo nasasapawan na raw ni Kim ang main host ng show na si Vice Ganda dahil sa sobrang ingay niya.

Sabi naman ng iba ay medyo “off” at wala sa tiyempo minsan ang mga pinagsasasabi ni Kim kapag nagho-host siya ng It’s Showtime. Sa madaling salita, palpak at wala raw impact sa viewers ang mga banat na jokes ni Kim.

May rumors din na papasok na si Anne Curtis sa It’s Showtime. Kaya raw tatanggalin si Kim ay dahil hindi kaya ng budget ng production ang talent fee ni Anne kaya pansamantalang aalisin si Kim.

Labis na dinamdam ni Kim ang malamig na trato sa kaniya ngayon ng mga kasamahan sa It’s Showtime. Hindi niya maitago ang kaniyang sama ng loob sa mga nangyayari ngayon.

Dinamayan naman siya at binigyan ng moral support ng kaniyang nobyong si Xian Lim, ganoon din ni Kris Aquino na malapit din kay Kim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *