Ruru Madrid, hindi pa sigurado sa Voltes V Legacy

Akala nang marami ay kasama sa irereveal ang cast ng Voltes V live action adaptation sa Kapuso New Year Countdown to 2020 ngunit tanging ang teaser lang ang ipinalabas.

Ayon sa aming source, wala pa raw cast ang Voltes V Legacy, kaya hindi rin totoo ang bali-balita noong nakaraang taon na isa si Ruru Madrid sa napipisil na magbida sa adaptation ng anime series.

So, kung totoo ngang wala pang napipiling cast ang GMA, may pag-asa pang makasali ang ibang talent ng network kung mag-audition sila. Yun nga lang ay dadaan sila sa matinding audition kay Direk Mark Reyes na nakilala sa pagiging mabusisi sa paggawa ng fantasy series.

Natameme naman ang mga bashers ng Voltes V live action adaptation nang ni-release na ang first teaser nito. Kesyo “don’t ruin our childhood” daw o nangangamba silang magaya lang daw ito sa Victor Magtanggol at Zaido: Pulis Pangkalawakan.

Nag-post naman ang Creative Consultant at screenwriter ng GMA na si Suzette Doctolero upang sagutin ang mga bashers at tinapos nya ito gamit ang hashtag na #childhoodKoRinIto.

Ayon kay Doctolero, “Hindi porke pumalpak kami (sa palagay ninyo) sa una o pangalawa ay hindi na kami uli babangon at susubok uli… paano kami matututo at mag aambisyong magtagumpay kung uurong na lang? O maniniwala sa sabi sabi na hindi nga namin kaya? Na pang small time lang? No. Mali. Hindi ganyan ang attitude ng kapuso. Hindi dapat umurong.”

Pinagtanggol nya rin ang mga nasa likod ng mga bumubuo ng production. Sabi nya, “Mahuhusay ang ating Pinoy effects team, mahaba ang panahon, kaya natin ito! Laban! Let’s volt in!”

Nagsisimula pa lang ang taon pero hype na hype na ang mga manonood sa Voltes V Legacy, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Isang araw pa lang sa Facebook ang teaser nito pero umabot na ng 1.2 million views. Trending at #3 rin ito sa YouTube Gaming section.

ALSO READ: ‘Voltes V Legacy’ teaser, umabot na ng 1 million views!

Kahit na hindi pa sure na kasama sa cast si Ruru, sure naman na may bago syang programa at makakasama nya pa si Sanya Lopez at Kim Domingo. Abangan ang Lolong ngayong 2020!

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *