‘Running Man’ ng GMA-7, susundan ang original format

Inumpisahan na ang sinasabing pinakamalaking reality game show ngayong 2022 ng GMA-7 na ka-partner ang producers ng sikat na variety program ng South Korea, ang Running Man Philippines.

Ang Running Man PH ay pangungunahan nina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Buboy Villar at Mikael Daez.

Ang production team at ang pitong kasama sa cast ay kasalukuyang nasa South Korea upang doon rin i-shoot ang buong season kung saang lugar o lokasyon nag-shoot ang orihinal na palabas na Running Man Korea.

Maging ang orihinal na format kung saan ang mga weekly mission na isinasagawa sa iba’t ibang landmark ay kanila ring susundan.

“Alam niyo naman ako sobrang hilig ko mag-travel, so sobrang na-excite ako na magtrabaho outside the Philippines after so many things have happened to us in the world,” pagbabahagi ni Mikael. Pinahayag din niya ang kanyang excitement na sa South Korea kukunan ang buong episode.

“Alam ko kung gaano niyo minahal itong show kaya ita-try namin na talagang ibigay sa inyo kung ano ‘yong deserved niyo,” pagbabahagi rin Glaiza. Ayon sa aktres ay hindi daw madi-disappoint ang fans sa gagawin nila.

“This time, wala kaming gina­gampanan na role kaya mas makikilala kami ng mga tao at gusto ko rin patunayan na hindi ako puro pa-pogi lang,” ayon kay Ruru. He is looking forward to the challenges that will bring out their amusing personalities.

Ang GMA Entertainment Group ay pumirma noong February 2020 ng co-production deal sa SBS Korea para sa local version ng game show.

Naitampok ng Running Man Korea ang mga kilala at nangungunang Korean star. Nagkaroon na rin ng appearance dito sina Jackie Chan, Tom Cruise, at Henry Cavill. Lakas loob silang nakipagkumpetensya sa mga masasayang hamon, laro, at karera sa iba’t ibang lokasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *