Ronnie Alonte at Loisa Andalio, may planong lumipat sa GMA?

Mukhang hindi pa tapos ang serye ng lipatan ng mga artista mula sa ABS-CBN papuntang GMA Network.

Muli kasing nabuhay ang usap-usapang lilipat na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Kapuso network, matapos itong banggitin ng vlogger at talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel.

Naging usap-usapan na noon na tila nililigawan umano ng GMA-7 ang real-life couple para maging bahagi ng kanilang network, pero kusa na lang namatay ang isyu at wala nang update tungkol doon.

Ayon kay Ogie, kung totoo man ito, may chance raw na pinayagan ng mga boss ng Kapamilya ang dalawa.

Giit pa niya, hindi naman daw porke lumipat ang dalawa ay wala nang utang na loob ang mga ito.

Hindi naman daw malalayo ang dalawa kung sakaling tuloy ang paglipat ng mga ito dahil nasa GMA-7 na rin naman si Johnny Manahan na naging tatay-tatayan na rin nila sa ABS-CBN.

One thought on “Ronnie Alonte at Loisa Andalio, may planong lumipat sa GMA?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *