Romano Vasquez, pumanaw na sa edad na 51

Sumakabilang buhay na ang dating That’s Entertainment member na si Romano Vasquez, kahapon ng linggo, lagpas alas sais ng gabi, January 23, 2022, sa edad na 51. Mapayapang pumanaw ang aktor sa kanilang tahanan  sa Cavite City.

Romanito Romano Anacan Dila ang tunay na pangalan ng aktor. Nakiusap ang pamilya ng katahimikan at respeto mula sa publiko. Nais ng pamilya na mairaos ang pagpanaw na ito ng isa sa pinakamamahal nilang parte ng pamilya nang walang ingay at kung ano mang kontrobersiya. Humihingi naman sila ng dasal para sa mapayapang paglisan ng aktor.

Naulila ni Romanito ang kanyang may bahay at apat na anak na may mga edad na 22, 16, 15, at 8 gulang.

Maraming pinagdaan ang aktor sa kaniyang buhay at ibinahagi nya ito sa publiko ilang taon na ang nakakaraan. Dumaan ito sa pagpapaseksi, pag-awit, pagnenegosyo at maarami pang iba. Hindi man naging matunog ang kanyang pangalan, ay nagbigay pa rin sya ng kasiyahan at inspirasyon sa loob at sa labas ng ating bansa.

Ang labi ng aktor ay nakahimlay sa Imperial Crown Funeral Service (dating Herald Funeral Services), na matatagpuan sa Purok 6 Brgy. De Ocampo, Trece Martires City, Cavite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *