‘Rolling In It’ ng TV5, umaariba na sa ratings; Pacquiao-Ugas fight, mas pinanood sa GMA-7

Dumami ang mga tumutok sa kanilang mga telebisyon nitong nagdaang Sabado at Linggo.

Noong Sabado, August 21, 2.9% ang itinaas ng rating ng 24 Oras Weekend kumpara noong August 14.

Nakapagtala ang Saturday edition ng flaghsip newscast program ng GMA-7 ng 13.8%.

Na-sustain naman ng GMA-7 ang mga manonood hanggang sa kasunod nitong programa. Naka-13.9% ang Pepito Manaloto prequel.

Katapat nito ang Rated Korina sa A2Z na naka-1.5% at Puto sa TV5 na naka-1.6%

Bahagyang bumaba naman ang ratings ng Magpakailanman dahil ni-replay nila ang life story ng komedyanang si Boobsie. Nakapagtala ito ng 14.9%, laban sa 3.2% ng Rolling In It sa TV5 at 2.5% ng Everybody Sing ni Vice Ganda sa A2Z at Kapamilya Channel.

Bahagyang bumaba rin ang rating ng Catch Me Out Philippines na naka-10.6% nitong Sabado. Tumaas naman ang Encounter ng TV5 ay naka-2.9%, pero bumaba ang Maalaala Mo Kaya ng A2Z at Kapamilya Channel na naka-2.2%.

Noong Linggo naman, August 22, tinutukan ng sambayanan ang laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban sa boksingerong si Yordenis Ugas.

Mas tinutukan ang Pacquiao Vs Ugas: The Legend Vs. The Olympian sa GMA-7 na naka-14% ang undercard fight at 14.8% naman ang mismong laban ni Pacquiao.

Sa TV5 at A2Z, naka-8.5% ang Pacquiao-Ugas fight.

Pagkatapos nito ay sumunod na ang Dear Uge na naka-5.2%, samantalang naka-2.3% ang FPJ Da King sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Ang Stories of Hope ay naka-4.2%, at 6.3% ang On Record.

Pagdating ng primetime, 14.8% ang 24 Oras, at sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-13.5%. Sa A2Z naman ay 2.8% ang Everybody Sing.

Ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes ay 15.8%, at sumunod ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-18%.

Walang The Boobay and Tekla Show dahil ini-replay ang Pacquiao fight na naka-2.3%.

Saturday, August 21

24 Oras Weekend (GMA) – 13.8% (up from 10.9% last August 14)
Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento (GMA) – 13.9% (up from 13.3%)
Rated Korina (A2Z) – 1.5% (up from 1.4%)
Puto (TV5) – 1.6%

Magpakailanman (GMA) – 14.9% (down from 15.5%)
Rolling In It (TV5) – 3.2% (up from 2.6%)
Everybody Sing (A2Z/Kapamilya Channel) – 2.5% (sustained)

Catch Me Out Philippines (GMA) – 10.6% (down from 11.4%)
Encounter (TV5) – 2.9% (up from 1.3%)
Maalaala Mo Kaya (A2Z/Kapamilya Channel) – 2.2% (down from 2.4%)

Daddy’s Gurl (GMA) – 5.8% (up from 5.7%)
The Wall (TV5) – 2.9%
Hoy, Love You (A2Z) – 1.1% (down from 1.5%)

Sunday, August 22

Kapuso Movie Festival (GMA) – 5.7%

Pacquiao Vs Ugas: The Legend Vs. The Olympian (GMA) – 14% (up from All-Out Sunday’s 4.4% last August 15)
Pacquiao Vs Ugas: The Legend Vs. The Olympian (GMA) – 14.8% (up from GMA Blockbusters’ 3.4%)
Pacquiao Vs Ugas: The Legend Vs. The Olympian (TV5/A2Z/Kapamilya Channel) – 8.5% (up from ASAP Natin ‘To’s 3.4% and FPJ Da King’s 4%)

FPJ Da King (TV5/A2Z/Kapamilya Channel) – 2.3% (down from 4%)
Dear Uge (GMA) – 5.2% (up from 3.8%)

Stories of Hope (GMA) – 4.2% (down from 4.6%)
On Record (GMA) – 6.3% (down from 6.4%)
Ipaglaban Mo (A2Z/Kapamilya Channel) – no data (from 1.1%)

24 Oras Weekend (GMA) – 14.8% (up from 13.7%)

Daig Kayo ng Lola Ko (GMA) – 13.5% (down from 14.6%)
Everybody Sing (A2Z/Kapamilya Channel) – 2.8% (up from 2%)

Amazing Earth (GMA) – 15.8% (down from 17.4%)

Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA) – 18% (down from 20.5%)

Replay of Pacquiao Vs Ugas: The Legend Vs. The Olympian (GMA) – 2.3% (down from The Boobay and Tekla Show’s 5.3%)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *