Robin Padilla, panig sa katotohanan

May sagot si Robin Padilla sa comment na nilaglag niya ang ABS-CBN sa post niya sa Facebook na “Sana manaig ang batas.”

 Sa Instagram (IG) na-post nito ang “No man is above the law and no man is below it.” Nabanggit din ni Robin na walang dapat kilingan ang batas, mayaman man o mahirap.

Kaya lang, hindi na mababasa sa IG ni Robin ang kanyang post at ang sabi, may nagpayo kay Robin na i-delete ito.

Sa kanyang FB kahapon, may post uli si Robin at sabi: “God is great!!! Sabi daw ng netizens nilaglag ko daw ang network ko wow!

“Mga kababayan kahit na sino kahit kaibigan ko kapatid ko kapamilya ko at kamag anak ko kapag lumabag ka sa batas dapat kang magbayad sa batas dahil ako nagbayad ako ng tatlong taon sa loob ng Kulungan/Piitan/Bilibid dahil nagbayad ako sa kasalanan ko.

“Ano bang kinatatakot natin para sa ABSCBN? May pagkakasala ba talaga sila sa batas? Ako ay may tiwala sa BATAS dahil naranasan ko ang talim at lambing ng BATAS sa buhay ko kaya ko sinasabi na dapat umiral ang BATAS dahil ang batas ang proteksyon ng lahat ng Pilipino mayaman man o mahirap no one is above the law and under it kaya kung wala silang kasalanan it will be their glory and pride so let them fight it in our courts Let the truth prevail.

“Wag tayong maging spoiler parang teleserye lang yan na pinanonood niyo abangan niyo ang mga revelation ayaw niyo ba malaman ang katotohanan?

“Inalis ko na rin ang mga posts ko kahapon sa instagram at fb about the legal issue of ABSCBN not the franchise issue bilang respeto ko sa asawa ko na si Mariel she said to me im a kapamilya forever at sinabihan din ako ni kuya Ipe Salvador na magrelax at tumahimik dahil walang alam si mayor PRRD sa hakbang ng solgen kaya balik na lang ako sa aking journey towards spirituality.

“Peace be with you all may the wisdom and blessings of our only God be with those who are neglected weak and poor in shaa Allah.”

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *