Regine Velasquez sa mga nagrereklamo kay Ogie: “UTANG NA LOOB ‘Wag na kayo manood!!”

Hindi nakapagpigil si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at napa-tweet na sa labis na pagkaimbyerna sa mga “reklamador” sa social media.

May mga netizen kasi na nagko-comment at nagrereklamo na ‘wag na raw isali ang asawa nitong si Ogie Alcasid sa “Turteneck sesh” na ginagawa nito sa kaniyang YouTube channel.

Tweet naman ni Regine, “Disclaimer: ‘yung mga makakapal ang mukhang magreklamo tapos mag-tweet pa. UTANG NA LOOB, ‘wag na kayong manood!! Parang anlaki ng binabayad n’yo sa asawa ko ha!!!! Libre lang kaya walang basagan ng trip!!!!”

Maraming netizens naman sa Twitter ang nakisimpatya at kinampihan ang Asia’s Songbird.

Comment ng mga ito, puwede naman daw silang mag-leave o puwedeng ‘wag na lang manood kung ayaw nila kay Ogie at hindi ‘yung nagko-comment pa sila.

Dagdag pa nila, “hiyang-hiya” naan daw si Ogie sa bashers niya gayong napakaraming kanta raw ni Ogie ang sumikat.

Mukha namang kumalma na si Regine matapos ang kaniyang tweet dahil nag-livestream pa rin siya sa YouTube ngunit hindi na niya kasama on-cam ang kaniyang asawa.

Payo naman ng supporters ng mag-asawa, ‘wag na lang daw pansinin ang mga taong nagko-comment ng negatibo sa kanila.

“Deadma mo sila Ms. Reg!!! Wala kang makukuha sa kanila. Enjoy life and have fun. Just keep sharing the good vibes to everyone. You inspired us a lot,” tweet ng isang netizen.

“Hayaan na natin sila. Ma-stress ka lang po. Karma na po bahala sa kanila at si God,” sabi naman ng isa pang netizen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *