Regine Velasquez expresses support for ABS-CBN

Nag-post sa Instagram noong Martes, February 11, ang Asia’s Songbird at Kapamilya singer na si Regine Velasquez.

Sa kanyang post, sinabi ng singer ang kanyang mga pananaw sakaling mawala ang ABS-CBN.

Panimula ng singer, “Pano ako kakanta kung wala ng ASAP???”

Sunod namang inisa-isa ng Kapamilya singer-actress ang mga mawawala kung ipapasara ng kanyang home network, “Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN?? Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!!!!!! Anong ibigsabihin nito????”

“Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!!!!!! Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mayayari sa Love thy woman at Iba pang teleseryeng napalapit na sa mga puso nating lahat.

“Hindi na natin makikita si Sarah umawit at yumugyug saliw ng TALA. Hindi na natin makikita sila Mori,Ange,KZ ,Moi Jona at iba pang magaling na mangaawit bumirit ng libre,” dagdag pa ni Regine.

Sakali kasing mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, isang posibleng mangyari ay sa iWant, YouTube, at ibang online streaming platforms na lang mapanood ang mga palabas ng ABS-CBN.

Sunod namang binanggit ng Songbird ang mga bagay na nagbibigay saya sa mga Kapamilyang manonood.

Sabi ng singer, “Hindi na tayo matatawa kay Alex at Ate nya. Hindi na tayo mapapatawa at mabibigyan ng kasiyahan ni Vice Ganda!!!!!!

“Hindi na tayo makaka discover ng mga bagong mang aawit, bagong idolo. Na makapagbabago sa buhay ng mga napaka talentong mga kabataan natin.

“Hindi na natin mapapanod ng libre ang KathNiel, LizQuen at MayWard,” pag-iisa-isa ng singer.

Sunod namang binanggit ng singer ang pinakamahalagang serbisyo ng ABS-CBN sa tingin n’ya, “Higit sa lahat wala ng BALITA at [importanteng] impormasyon tayong mapapanood.”

“Alam kong sasabihin nyo meron pa namang ibang networks tama kayo and akin lang naman diba parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood??

“Maganda rin may pinag pipilian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubuti talaga ang bawat palabas na mapapanood natin. Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpapasaya sa kanila.

“Ang ibig sabihin TAYO ANG PANALO dahil ito ay LIBRE😊 Bagamat ako po ay bago pa lamang naninirahan sa tahanang Ito ako naman po ay itinuring totoong kapamilya.

“Naliligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN. Naisip ko tuloy….. na kung ako ay naliligalig pano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila.

“Siguro hindi natin mararamdaman agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN.

“Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal Ito. #wagisaraangabscbn,” pagtatapos ni Regine sa kanyang post.

View this post on Instagram

Pano ako kakanta kung wala ng ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN?? Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!!!!!! Anong ibigsabihin nito???? Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!!!!!! Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mayayari sa Love thy woman at Iba pang teleseryeng napalapit na sa mga puso nating lahat. Hindi na natin makikita si Sarah umawit at yumugyug saliw ng TALA. Hindi na natin makikita sila Mori,Ange,KZ ,Moi Jona at iba pang magaling na mangaawit bumirit ng libre. Hindi na tayo matatawa kay Alex at Ate nya. Hindi na tayo mapapatawa at mabibigyan ng kasiyahan ni Vice Ganda!!!!!!Hindi na tayo makaka discover ng mga bagong mang aawit, bagong idolo. Na makapagbabago sa buhay ng mga napaka talentong mga kabataan natin. Hindi na natin mapapanod ng libre ang KathNiel, LizQuen at MayWard.Higit sa lahat wala ng BALITA at importating impormasyon tayong mapapanood. Alam kong sasabihin nyo meron pa namang ibang networks tama kayo and akin lang naman diba parang tinanggalan tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood?? Maganda rin may pinag pipilian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubuti talaga ang bawat palabas na mapapanood natin. Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpapasaya sa kanila. Ang ibig sabihin TAYO ANG PANALO dahil ito ay LIBRE😊 Bagamat ako po ay bago pa lamang naninirahan sa tahanang Ito ako naman po ay itinuring totoong kapamilya. Naliligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN. Naisip ko tuloy….. na kung ako ay naliligalig pano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila. Siguro hindi natin mararamdaman agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN. Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal Ito. #wagisaraangabscbn

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Sa kasalukuyan ay umabot na ng 27K likes ang post na ito ni Regine.

Samu’t-sari naman ang reaksyon at komento ng netizens kaya minabuti na lang ng singer na i-off ang comment section ng kanyang post.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *