‘Regal Studio Presents,’ pinusuan ng viewers; ‘Pinas Sarap,’ tinalo ang finale ng ‘Puto’

Talaga namang inabangan ng viewers ang pilot episode ng Regal Studio Presents, ang weekly anthology ng pinagsanib-pwersang Regal Entertainment at GMA Network.

Tampok sa unang episode na “That Thin Line Between” sina Kapuso stars Ken Chan at Sanya Lopez.

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines TAM, nakapagtala ang pilot episode ng Regal Studio Presents ng 10.4% nitong Sabado, September 11.

Hindi rin pahuhuli ang Pinas Sarap ni Kara David na ipinapalabas sa GTV, dahil naka-2.9% ito noong Sabado.

Bagamat mas mahina ang signal coverage ng GTV dahil meron lang itong 30 kilowatts transmitting power kumpara sa 60 kilowatts ng TV5 at 100 kilowatts ng ZOE Broadcasting (A2Z), mas pinanood pa rin ang Pinas Sarap kaysa sa final episode ng Puto ng TV5 at Rated Korina ng A2Z.

Nakapagtala ang Puto ng 2.1%, samantalang naka-1.7% naman ang Rated Korina.

Samantala, dalawang programa naman ang nagtapos noong Biyernes, September 10.

Nagwakas na ang Ang Dalawang Ikaw na pinagbibidahan rin ni Ken Chan at ang Kapamilya series na Init sa Magdamag.

Nakapagtala ang finale ng Ang Dalawang Ikaw ng 7.1%, ayon sa NUTAM People Ratings.

Ang Init sa Magdamag (A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Jeepney TV) naman ay naka-5.6%, laban sa 7.3% ng The Penthouse Season 2.

Nakapasok naman sa Top 10 Programs ang halos lahat ng Kapuso Daytime Programs, tulad ng Nagbabagang Luha na naka-6%, Wowowin na naka 6.4%, at The Good Daughter na naka-6.6%.

Dalawang Kapamilya series naman ang nakapasok sa Top 10, ang FPJ’s Ang Probinsyano (A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Cinemo) na naka-10.8%, laban sa 15.8% ng Legal Wives (GMA-7, GTV, Heart of Asia), at Huwag Kang Mangamba (A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Jeepney TV) na naka-7.5%, laban sa rerun ng Endless Love (GMA-7, Heart of Asia) na naka-12.2%.

Wagi rin ang Bubble Gang (GMA-7) na naka-3.6% laban sa La Vida Lena (A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Jeepney TV) na naka-3.1%

Medyo maliit naman ang agwat ng noontime shows ng GMA-7 at TV5. Nakapagtala ng 5.8% ang Eat Bulaga! ng GMA-7, samantalang naka-3.2% naman ang Lunch Out Loud ng TV5.

One thought on “‘Regal Studio Presents,’ pinusuan ng viewers; ‘Pinas Sarap,’ tinalo ang finale ng ‘Puto’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *