Regal at GMA, sanib-pwersa sa ‘Regal Studio Presents’

Dalawa sa tinitingalang institusyon sa TV at pelikula ang magsasama para sa isang malaki at espesyal na weekly anthology series na aabangan ngayong taon.

Handog ng Regal Entertainment at GMA Network ang Regal Studio Presents, na maghahatid ng mga bago at napapanahong TV specials kada linggo.

“It is actually exciting because we’re going to embark on a new project together that is Regal Studio Presents.

“If you’re going to look at it, it is Mother Studio Presents, only this time it has a different name,” pahayag ni GMA First Vice President for Program Management Department Jose Mari “Joey” R. Abacan.

Ang Mother Studio Presents ay ang monthly anthology na co-production ng GMA Network at Regal Entertainment na umere mula 1987 hanggang 1996.

“From Mother Studio Presents before, we have seen so many stories, so many stars that evolved. These are the stars na talagang matagal na matagal na.

“And now happy ako because the first people we will be working with again after a long hiatus of working with each other is going to be Ken Chan and Sanya Lopez,” ani Abacan.

Ayon naman kay Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, ang Regal Studio Presents ay simula pa lang ng marami pang collaborations sa pagitan ng GMA at Regal.

Aniya, “I’m very grateful that we’re partners again with GMA. There’s a lot of things to look forward to. This is just the beginning.”

Tulad ni Abacan, confident din daw si Monteverde kina Sanya Lopez at Ken Chan, na bibida sa opening salvo ng Regal Studio Presents.

“We’re so privileged to have as our pilot episode si Sanya Lopez and Ken Chan, who are really my dream actors sa GMA. Dream cast ko silang dalawa kasi ang ganda ng naging relationship namin and ang ganda ng naging result ng pelikula namin with them,” paliwanag ni Monteverde.

Para sa premiere episode ng nasabing proyekto, tampok sina Ken Chan at Sanya Lopez sa “That Thin Line Between.” Ito rin ang magsisilbing unang on-screen tambalan ng dalawang Kapuso prized stars.

Sa kuwento, gaganap si Sanya bilang online seller at si Ken naman ay isang type A personality accountant na mahilig magbangayan dahil magkaiba ang kanilang mga ugali at paniniwala. Magkakaroon ito ng primetime premiere sa September 11, 8:30 pm.

Bukod dito, excited na rin ang mga fan sa iba pang handog ng Regal Studio Presents na pagbibidahan ng mga sikat na Kapuso love teams tulad nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos or ‘GabLil’ at sina Sofia Pablo at Allen Ansay ng ‘Team Jolly.’

Tampok sina Sofia Pablo, Allen Ansay, at Bruce Roeland sa “Raya Sirena,” ang part two ng primetime premiere sa September 18, 8:30 pm.

Para naman sa ikatlong episode na “One Million Comments, Magjo-jowa na Ako,” bibida naman ang real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, kasama si Manolo Pedrosa. Lilipat ito sa regular timeslot tuwing Linggo, 4:35 pm simula September 26.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *