Real-life Prima Donna? Jillian Ward, nakatanggap ng napakaraming cake at flowers

Ang daming birthday cakes na natanggap ni Jillian Ward sa kaniyang 16th birthday noong February 23. Umabot daw sa 41 ang birthday cakes at marami ring bouquet of flowers.

Kasing dami yata ng birthday cakes ang bouquet of flowers na dumating sa bahay ni Jillian. Kaya sabi niya, “Thank you for making my birthday extra fragrant and colorful! These are ravishing.

“I am SO HAPPY!!! I’m on cloud nine! What a happy birthday! Thank you everyone for taking the time to share your talent in art through baking me a cake.”

Samantala, pahinga lang ng ilang buwan si Jillian at sasabak na naman sa lock-in taping ng Book 2 ng Prima Donnas dahil magbabalik ang top-rating afternoon drama series ng GMA-7 ngayong taon din.

Sa interview sa direktor ng serye na si Gina Alajar, sinabi niyang may plot at story na ang creative team at inaayos lang kung paano iku-connect sa Book 1.

“It’s gonna be exciting,” pangako ni Direk Gina.

Dahil 16 years old na si Jillian, puwede na siyang magkaroon ng ka-loveteam, kaya lang, ang dapat ka-loveteam niyang si JD Domagoso ay si Cassy Legaspi na ang katambal sa First Yaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *