Rayver Cruz, mas malaki ang TF sa GMA kaysa sa ABS-CBN

Muling pumirma ng management at network contract si Rayver Cruz sa Kapuso Network at sa GMA Artist Center.

Tatlong taon ang pinirmahang exclusive contract ng aktor sa GMA with five shows na kailangan niyan gawin sa duration ng kaniyang kontrata.

Sa kasalukuyan, isa siya sa host ng All Out Sundays, The Clash, at may teleserye siyang Nagbabagang Luha kasama si Glaiza de Castro.

Pinag-iisipan na rin kung ano pang ibang project ang susunod na ibibigay sa multi-talented actor.

Sa ginanap na contract signing ni Rayver, labis na natuwa ang aktor dahil dumalo si Mr. M dahil halos kaniya na lumaki ang binata noong pareho pa silang nasa Star Magic ng ABS-CBN.

Walang nabanggit kung may nakalinya ring pelikulang gagawin si Rayver sa GMA Films, dahil na rin siguro naka-focus pa sila sa gagawing pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards.

Sa apat na taon ni Rayver bilang Kapuso artist, nakagawa na siya ng tatlong teleserye sa GMA-7 at hindi nawawalan ng projects.

Sobrang saya rin ni Rayver dahil nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay bilang paghahanda na rin para sa sarili niyang pamilya.

Sabi ng isang taong malapit kay Rayver, “Mas malaki kasi ang talent fee niya sa GMA kaya nakaipon, saka sunud-sunod ang shows niya.”

Paliwanag pa ng kaibigan ni Rayver na kahit inabot daw ng 17 years ang aktor sa ABS-CBN ay hindi nito nagawang makaipon para pampagawa ng bahay dahil hindi naman daw kalakihan ang talent fee niya doon.

Dagdag pa niya na madalang pa raw sa patak ng ulan kung mabigyan ng teleserye si Rayver.

Kaya nga raw nu’ng lumipat si Rayver sa GMA-7 ay nagbiro kaagad siya ng “Makakapag-ipon na ako. Hahaha!”

Halos triple daw kasi ang bigay sa kaniya ng GMA Network kumpara sa natatanggap niyang talent fee sa ABS-CBN noon.

Gayunpaman, hindi naman daw nakakalimutan ni Rayver ang nagawa sa kaniya ng Kapamilya Network sa loob ng 17 years.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *