Ratings: ‘Legal Wives,’ mas lumaki ang lamang sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Mas dumarami pa ang nahu-hook ngayon sa Kapuso primetime series na Legal Wives dahil sa mas pinaaga nitong timeslot.

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang cultural family drama ng GMA-7 ng 15.5% noong September 2, mas mataas kumpara sa 12.4% ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Bukod sa mas pinaagang timeslot, nakatulong rin sa mataas na ratings ng Legal Wives ang simulcast ng nito sa GTV at Heart of Asia channel.

Malakas rin kasi ang programang G! Flicks ng GTV kaya bahagyang humina noon ang The World Between Us at Legal Wives.

Samantala, napapanood naman ang FPJ’s Ang Probinsyano sa A2Z Channel 11, TV5, Kapamilya Channel, at CineMo.

Nangunguna pa rin sa primetime ang 24 Oras, ang flagship news program ng GMA-7. Nakapagtala ito ng 17.2% noong Huwebes (Sept 2) laban sa 4.5% ng Niño Niña ng TV5 na nasa ika-15 na puwesto sa Top 30.

Sumunod naman ang Legal Wives (GMA) at FPJ’s Ang Probinsyano (Kapamilya Channel).

Nasa pang-apat na puwesto naman ang rerun ng Endless Love (GMA) na naka-10.9%, laban sa brand new episode ng Huwag Kang Mangamba (A2Z/TV5/Kapamilya Channel/Jeepney TV) na naka-8.4%.

Wagi naman ang ABS-CBN Entertainment program na Init sa Magdamag laban sa season 2 ng The Penthouse.

Naka-6% ang Init sa Magdamag (A2Z/TV5/Kapamilya Channel/Jeepney TV), samantalang naka-5.2% lang ang The Penthouse Season 2 na sa GMA-7 lang napapanood at walang simulcast sa ibang channel.

Wagi rin ang Kapamilya show na La Vida Lena laban sa katapat nito sa GMA-7 na The Sand Princess.

Nakakuha ng 4.1% na rating ang La Vida Lena mula sa A2Z, TV5, at Kapamilya Channel, samantalang naka-3.9% lang ang The Sand Princess na GMA-7 lang din napapanood.

Pasok rin sa Top 10 ang GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw (6.5%), The Good Daughter (6.1%), at Nagbabagang Luha (6.0%).

Nasa ika-10 naman ang Eat Bulaga! na naka-5.7%. Pang-20 naman ang katapat nitong Lunch Out Loud ng TV5 na naka-3.0%. Samantala, wala naman sa Top 30 ang It’s Showtime ng ABS-CBN Entertainment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *