Raffy Tulfo, nalagasan ng 400K followers at subscribers sa social media

Matapos maghamon ng beteranong mamamahayag na si Raffy Tulfo sa kaniyang programang Raffy Tulfo in Action sa mga taga-suporta ni Pangulong Duterte, biglang nabawasan ng mahigit 400K ang subscribers ni Tulfo sa kaniyang social media accounts.

Nag-viral kasi ang isang deleted video ni Tulfo kung saan pinagbabangga niya ang 16 million na bumoto noon kay Pangulong Duterte at ang mahigit 42 million subscribers niya sa kaniyang mga social media accounts.

Bago maging viral ang naturang video, mayroong mahigit 42 million combined subscribers and followers si Tulfo sa YouTube, Facebook, at Tiktok. Mayroong 22.1 million subscribers si Tulfo sa YouTube, 18.6M followers sa Facebook, at 2.7M followers sa TikTok.

Sa nag-viral na video, sinabi ni Tulfo na ‘wag na raw malungkot ang 10 thousand na empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sampung buwan na lang ay magkakaroon ng pagbabago.

Hindi man tinukoy ni Tulfo kung ano ito, mabilis ang netizens na naka-pickup na may kinalaman ito sa susunod na eleksyon na magaganap sa May 2020.

Pahayag ni Tulfo sa kaniyang programa, “‘Wag kayong malungkot dahil [eight] na lang, pwede natin sabihing 9… 10 months… kasi 10 thousand kasi ang nawalan ng trabaho.

“Puwedeng baka sabihin ni Lord, ‘Sige 10 months okay na ulit,’ ‘di ba?

“Malay mo, magbabanggaan ‘yung 16 million versus 42 million subscribers. Na-gets mo?”

Nabawasan ng 100K ang YouTube subscribers ni Tulfo noong Sabado at nabawasan muli ng 200K nitong Linggo. Sa ngayon, 21.8M na ang kabuuang bilang ng subscribers ni Tulfo sa YouTube.

Sa kaniyang Facebook page naman, 36,891 followers ang nag-unfollow sa kaniya noong Sabado at 63,113 naman kahapon. Mula 18,614,989 noong Biyernes, bumaba sa 18,514,985 ang bilang ng kaniyang followers sa Facebook.

Nananawagan ngayon ang mga supporter ng pangulo na i-unlike, i-unfollow, at mag-unsubscribe sa mga social media account ng beteranong mamamahayag.

Sa kasalukuyan, wala pang reaksyon si Tulfo tungkol sa malawakang pag-unsubscribe at pag-unfollow sa kaniya ng kaniyang mga followers at subscribers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *