Rachelle Ann Go returns to Philippine TV this Sunday

Nakatakdang bumalik sa concert scene ang Hamilton singer na si Rachelle Ann Go sa kanyang upcoming concert na ‘The Homecoming‘ na gaganapin sa Marriott Grand Ball Room sa Resorts World Manila ngayong February 14.

Ito ang kauna-unahang concert ni Rachelle mula nang nagtungo s’ya abroad para magperform sa West End at Broadway theatres.

Makakasama n’ya sa stage sina Lea Salonga, Erik Santos, at Zephanie, at sinamahan pa ng Manila Philharmonic Orchestra.

Inanunsyo ng International Theater Diva sa kanilang media conference noong January 16 kung ano ang maasahan ng mga manonood sa kanyang homecoming concert.

Ayon sa singer, “May mga production number po kami and karamihan po talaga dito sa concert na ito, never ko pa nagawa sa isang concert. Musical po ang kakantahin ko. First time, first time po ito. Medyo seryoso itong gabing ito, a night full of love. And of course, I want to share with everyone my journey, my story as well so kaya rin po talaga akong excited na gawin itong concert na ito.

“Meron po akong kakantahin from my old album, pero iibahin po namin ‘yung atake ng mga songs po.”

Maliban sa inaabangang pagbabalik n’ya sa concert stage, muli ring mapapanood si Rachelle Ann sa kauna-unahan n’yang TV guesting sa GMA.

Abangan ang kanyang homecoming sa Kapuso Network ngayong Linggo, January 19, sa musical variety show na All-Out Sundays.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *