Rachelle Ann Go joins ‘All-Out Sundays’

“i’m so excited to be part of All-Out Sundays,” pag-iimbita ng International Theater Diva at Kapuso singer na si Rachelle Ann Go.

Sa panayam sa singer ng Kapuso Showbiz News, sinabi ng aktres na masayang-masaya s’ya sa kanyang pagbabalik sa GMA at mapabilang sa mga performers sa All-Out Sundays.

Ayon sa aktres, “Feels good. Marami akong na-miss na mga katrabaho at kaibigan at siyempre yung mga bagong shows sa GMA, di ba? I’m excited and looking forward na makasama sa bagong show ng GMA.”

Abalang-abala ngayon si Rachelle dahil nalalapit na ang concert n’ya na “Rachelle Ann Go: The Homecoming” kung saan makakasama n’ya sina Lea Salonga, Erik Santos, at Zephanie.

Laking tuwa ng mga Kapusong manonood dahil muli nilang mapapanood si Rachelle sa bagong noontime show ng GMA-7.

Pero pansamantala lamang ang pananatili ng singer dito sa Pilipinas dahil nakatakda s’yang bumalik sa London pagkatapos ng concert n’ya ngayong February para naman sa bagong produksyon ng ‘Les Miserables‘.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *